Pagpasok nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa GMA, malaking tulong ba?

KAY TAGAL KANG HININTAY!

‘Yan siguro ang bulong ng mga fans ni John Lloyd Cruz, na nananabik sa pagbabalik-showbiz ng aktor. Matatandaan na noong 2017 ay nagdesisyon itong talikuran muna ang showbiz at magfocus sa kanyang personal life. Nagbunga kasi ang pagmamahalan nila noon ni Ellen Adarna at biniyayaan ng isang jolly little boy named Elias, na madalas natin makita sa mga IG stories ni Ellen.

Pagpasok nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa GMA, malaking tulong ba?
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

Ellen Adarna is now happily married to Derek Ramsay. Sa bagong yugto ng kani-kanilang buhay ay nagdesisyon na si Lloydie na pumirma ng kontrata sa Kapuso Network. Sa ngayon ay isang sitcom pa lang ang siguradong gagawin ni Lloydie kasama ang ilan sa mga kaibigan niya na mula sa ABS-CBN. Makakatrabaho rin niya for the first time ang ilang Kapuso stars, pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang kanyang magiging leading lady – kung meron man!

Since July ay nakapirma na si Bea Alonzo ng kontrata sa GMA. Kasama na rin siya sa Christmas station ID ng network. Ang biggest question ay ano ang balak ng GMA sa kanya? Gagawa ba siya ng primetime serye? Magkakaroon ba siya ng lifestyle show, na isa sa mga nasa wishlist niya? Hinihintay lang ba niya na matapos ni Alden Richards ang kanyang current soap opera na ‘The World Between Us’, o hinintay lang din ba niya na pumirma ang kanyang forever loveteam na si John Lloyd?

Pagpasok nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa GMA, malaking tulong ba?

Habang hinihintay natin kung ano ang next career move ng dalawa, wondering din kami kung matutuloy pa ba ang plinanong reunion movie dapat nila under Star Cinema? Kunsabagay, separate naman ang TV and film commitments ng mga artista.

Habang tumatagal ay tila nawawala na rin ang interes ng mga tao. Dapat siguro’y gumawa na sila ng kanilang first project sa GMA – bago pa tuluyang mawapakels ang mga fans, huh!