Sipat-eklat #174: Paglipat ni Binoe sa Dos, hinarang ng Siyete?

Sipat-eklat #174: Paglipat ni Binoe sa Dos, hinarang ng Siyete?SIPAT: LAWYER ang BOYFRIEND ni ROSANNA ROCES. BALAK na raw MAGPAKASAL ng DALAWA.
EKLAT: Kaya pala ang LAKAS ng LOOB ni OSANG na BANATAN ang mga REVILLA. ‘Pag na-LIBELO may TAGAPAGTANGGOL na siya!

SIPAT: Si ROBIN PADILLA mismo ang FIGHT INSTRUCTOR ni BB GANDANGHARI sa MOVIE na GAGAWIN nila.
EKLAT: Si BB GANDANGHARI naman ang BAHALA sa HAIR & MAKE-UP ng CAST!

SIPAT: HINDI MABANGGIT ni BINOE ang TERM na ‘BAKLA.’ GANDANGHARI ang LAGI niyang SINASABI sa GENDER ni RUSTOM, e.
EKLAT: Uy, HINDI HOMOPHOBIC si BAD BOY, ‘no!

SIPAT: May LOVE SCENES sina KIM CHIU at GERALD ANDERSON sa BAGO nilang PELIKULA.
EKLAT: BIG DEAL na ‘yon? ‘KASAWA nang PROMO GIMMICK!

SIPAT: READY na raw sa ‘DARING’ ROLES si MELISSA RICKS.
EKLAT: Teka, GUSTO niya bang mag-DEATH DEFYING STUNTS o magpa-SEXY?

SIPAT: ‘ANO ang DAPAT ABANGAN ng mga TAO sa PELIKULA mo?’ Tanong ng SHOWBIZ WRITER sa pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.
EKLAT: ‘SECRET!’ Sagot ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.

SIPAT: ‘May KISSING SCENE ba kayo ni [ACTOR] dito?’ Tanong uli ng SHOWBIZ REPORTER.
EKLAT: ‘Ay, SECRET talaga!’ Sagot uli ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.

SIPAT: ‘AFTER ba nito, may PAGTATAMBALAN uli kayo ni [ACTOR]?’ Tanong pa rin ng SHOWBIZ REPORTER.
EKLAT: ‘SECRET muna ‘yan, siyempre,’ sagot na naman ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.

SIPAT: Ang ENDING, mega FLOP ang MOVIE ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.
EKLAT: At HINDI SECRET ‘yan!

SIPAT: MATABA yata si ANGEL LOCSIN ngayon. Medyo MAPINTOG ang PISNGI niya sa THE BUZZ, e.
EKLAT: BIGYAN n’yo na kasi ng TRABAHO, Kapamilya! DAGDAGAN n’yo na rin ng NEW LOVE.

SIPAT: Teka, HINDI na rin si ALBERT MARTINEZ ang ka-LOVETEAM ni KRIS AQUINO sa KUNG TAYO’Y MAGKAKALAYO? Si GABBY CONCEPCION na?
EKLAT: ‘Eto ang MAHUSAY na PUBLICITY GIMMICK. NAKAKAHILO, e!

SIPAT: HINARANG ng GMA-7 ang PAGLIPAT ni BINOE sa ABS-CBN? HINDI raw kayang TANGGIHAN ni BAD BOY ang OFFER ng KAPUSO, e. BULONG ng isang SOURCE.
EKLAT: Ah, SIGURO ‘yan na naman ‘yung SIYA na ang BIDA. SIYA na rin ang DIREKTOR. SIYA pa ang SCRIPTWRITER…

SIPAT: Teka, BAKA naman ‘yan din ang DAHILAN kaya HINDI NATULOY si BINOE sa KAPAMILYA?
EKLAT: PUWEDE!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service