Pagkawala ng anak nina Shamaine Buencamino at Nonie Buencamino, posibleng dahil sa cyber bullying

ADVERTISING

Pagkawala ng anak nina Shamaine Buencamino at Nonie Buencamino, posibleng dahil sa cyber bullying

Noni-Buencamino-Shamaine-BuencaminoWHILE SHE has yet to find out the truth, gumaganap bilang lola ni Kim Rodriguez sa My Mother’s Secret ng GMA si Shamaine Buencamino, ina naman ni Christian Bautista.

ADVERTISING

Papel na ina rin ang bibigyang-buhay ni Shamaine sa isang dula, kaya hindi ma-imagine ng stage and TV director at Palanca hall of famer na si Floy Quintos how the actress would be able to acquit herself following the tragedy that befell her family.

Miyerkules ng hapon nang bumisita si Floy sa burol ni Julia whose body lay in state at the Mt. Carmel Church (her cremated remains were laid to rest last Sunday). Because Floy has been a friend to the couple hindi pa man kasal ang mga ito back in their theatre days, naging shoulder to cry on siya ng mag-asawa.

Floy’s fond memory of Julia who would come to her parents’ rehearsals: isang tipikal na bata who simply enjoyed her puberty.

ADVERTISING

 

SA WAKE pa rin ni Julia, hindi raw napigilan si Nonie sa kanyang pagtangis over her daughter’s loss, pouring out a litany of his sentiments in between sobs kung paanong malaking factor daw ang paggamit ng social media most specially among the youth.

Hindi man daw tuwirang sinabi ni Nonie in what aspect, a lot of people have speculated na malamang daw ay biktima ng cyber bullying si Julia. And the 15 year-old girl could only take so much.

Cyber bullying din ang tila bumibiktima ngayon sa dose anyos na aktres na si Andrea Brillantes, literally not a brilliant idea to toy with on social media following her “act of self-gratification” kung siya nga ang nasa kumakalat na video.

Becky Aguila, Andrea’s manager, has to address this issue lalo’t her role is to put up career safeguards para sa kanyang alaga (of course, it’s still Andrea’s parents who should be mainly responsible).

Sana nagkataon lang na ang mga alagang artistang babae ni Becky have had their share of not-so wholesome real-life experiences: ang kaso noon ni Valerie Concepcion, ang pagbubuntis ni Empress Shuck, and this one about Andrea.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING