Pagkatapos sa 2 basketball players
Vice Ganda, sa dancer naman nahuhumaling?!

ADVERTISING

<i>Pagkatapos sa 2 basketball players</i><br>Vice Ganda, sa dancer naman nahuhumaling?!

<i>Pagkatapos sa 2 basketball players</i><br>Vice Ganda, sa dancer naman nahuhumaling?!ITINANGGI NI Jan Stephen, dan-cer ng G-Force, na magdyowa sila ni Vice Ganda.

Kumalat kasi sa mga social networking sites ang photos nilang dalawa na sweet ang mga kuha.

Meron isang shot na halos magkayakap ang dalawa. Halos magkadikit palagi ang dalawa sa photos and it can easily be deduced that they are an item.

But as it is, denial ang naging sagot ni Jan sa mga chismis although tiyak na marami ang magtataas ng kilay sa kanyang sinabi.

ADVERTISING

Anyway, meron pang chikang pinatigil na raw ni Vice si Jan na magtrabaho as a dancer sa G-Force dahil kaya naman daw niya itong buhayin.

After two basketball players na na-link sa kanya, sa isang guwapong dancer naman iniuugnay ang stand-up comedian.

Balitang-balita rin na kinukuha ni Vice ang kotseng iniregalo niya sa dalawang basketball players.

 

<i>Pagkatapos sa 2 basketball players</i><br>Vice Ganda, sa dancer naman nahuhumaling?!ANG FEELING ni Janine Tugonon ay foul naman ‘yung sabihan silang pumarada sa Araneta Center nang naka-swimsuit.

Janine felt it was way too indecent na pumarada sa isang very public place na katulad ng Araneta Center nang nakasuot ng swimsuit. It doesn’t make sense nga naman considering na beauty queen siya at hindi isang contestant lamang ng Bb. Pilipinas.

When Janine tweeted, “So we just found out we’re wearing swimsuits in the parade Tom. Why?!”, ramdam na ramdam mo na hindi niya feel ang ipinapagawa sa kanya.

Marami nga ang naloka nang malaman ang ganoong request sa kanya ng Bb. Pilipinas organizers.

@janine_tugonon wow grabe this year ah… Last year we wore gowns during the parade and even for the souvenir magazine. Yikes!” reaction naman ni Shamcey Supsup.

@supsup_shamcey ung sa magazine ok pa eh pero sa parade?! Tapos na ako Dapat dun eh. Haayyy,” sagot naman ni Janine.

“That would be too much skin for a caravan on your part as well as to the candidates,” sabi naman ng isang Ronald Arrazola.

Bakit nga ba kailangang puma-

rada nang naka-swimsuit ang mga contestants ng Bb. Pilipinas at former beauty queens? Isn’t that exploitation?

Mas makaaakit ba sila ng crowd kapag naka-swimsuit sila? Mas marami ba ang sasali sa kanilang pageant kapag ganito ang senaryo?

Ang pagsusuot ng swimsuit ay dapat ILAGAY SA LUGAR. It certainly wouldn’t make sense if a woman wears a swimsuit sa isang place na bukod sa very public ay wala namang tubig, ‘di ba?

 

POKWANG IS not at all envy of the attention that her friend Kris Aquino gives to Vice Ganda.

Hindi nakikita ni Pokwang na threat si Vice sa friendship nila ni Kris which dates back 2006 pa.

When we asked Pokwang kung naiinggit siya kay Vice na BFF ngayon ni Kris, hindi ang naging sagot niya.

“Ay, no, ‘yan ang wala sa katawan ko. Kung mahal mo ang kaibigan mo, kung saan siya masaya, go,” sabi ni Pokwang during the presscon of 4 DA VOTE, isang concert na tampok din sina Chokoleit, Pooh at K Brosas, Music Museum, April 19, 20, 26 and 27.

Since the gang will spoof political figures and personalities, we asked Pokwang kung naniniwala siyang maraming pulitiko ang corrupt. “Ikaw naniniwala ka ba?” ganting-tanong sa amin ni Pokwang. “Marami (ang corrupt),” sabi niya.

So, paano niya pi-nipili ang kandidatong kanyang binoboto? “’Di ko sinasabing perpektong tao ang binoboto ko, pero alam niya ang kanyang responsibilidad. Bilang isang individual ay mararamdaman naman natin ‘yun, eh.”

As usual, bubuhayin na naman ni Pokwang ang characters nina Annabelle Rama at Mommy Dionesia sa 4 DA VOTE kaya tiyak na riot ito.

 

ANG DAMING nag-react sa suot ni Daniel Padilla nang mag-guest siya sa TV show ni Kuya Germs na wala na halos nanonood.

Naka-shorts lang kasi at white shirt si Daniel, very casual ang look at mukhang hindi pinaghandaan ang kanyang guesting.

“Baka gusto niyang matulog sa WALANG TULUGAN… hehe,” sabi ng isang nag-react sa photo na lu-mabas sa isang website.

“Sana man lang nag-effort siyang magbihis,” another one wailed.

“’Di na sya nag effort eh, wala rin namang nanonood sa show na ‘yan. kaya OKs lang,” chimed one guy which we also feel to be true.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING