Pagkatapos ni Richard Gutierrez, si Baron Geisler naman: Aljur Abrenica, takaw-gulo!

ADVERTISING

Pagkatapos ni Richard Gutierrez, si Baron Geisler naman: Aljur Abrenica, takaw-gulo!

BAKASYON MUNA AKO rito ngayon sa Singapore dahil binigyan kami ng bestfriend kong si Mikaela Bilbao ng libreng ticket with accommodation rito pa sa Stamford Hotel.

ADVERTISING

Bongga talaga si Mikaela at spoiled ako ha, pati ang iba kong pang mga alagang reporter.

Pagdating namin dito nu’ng Linggo, nakaramdam ako ng lungkot dahil ang una kong naalala, si Rudy Fernandez.

Kasi ang huling punta ko rito sa Singapore, kasama ko siya at si Lorna at nag-cruise pa kami. Na-miss ko na naman siya.

ADVERTISING

Enjoy ang mga bakla sa kaiikot dito, ako naman tulog lang nang tulog sa hotel.

Nababalitaan na lang ako ng kung anong nangyari riyan sa Maynila at isa na nga rito ang nangyaring gulo sa shooting nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Bohol.

Lasing na lasing daw itong si Baron Geisler na sinuntok si Aljur na wala namang ginagawa.

Nakakaawa naman itong Aljur. Mabait naman siya at hindi naghahanap ng gulo pero laging nasasangkot sa ganu’ng insidente.

‘Di ba napagtripan din siya minsan ni Richard Gutierrez nu’ng nalasing din itong huli? Pero wala kang narinig sa kanya noon at hinayaan na lang itong palagpasin.

Pero itong nangyari sa kanila ni Baron, dapat na may gawin na ngayon ang GMA Artist Center para mabigyan naman ng proteksiyon ang young actor.

Ang dami na ngang naglabasang kuwento tungkol sa gulong ito, dahil iniiwasan na baka makaapekto pa raw sa pelikulang ginagawa nila.

Dapat na magsalita si Aljur at sabihin kung ano talaga ang totoo dahil kawawa naman siya kung si Baron pa ang puproteksiyunan dito. Dapat iwasan na talagang makatrabaho itong Baron at siguro magpa-rehab na muna siya dahil hindi talaga siya matino kapag nalalasing. Sayang lang dahil magaling pa naman siyang aktor.

PURSIGIDO NGAYON SI Nadia Montenegro sa pagpapayat. Naging endorser siya ngayon ng Mikaela at dadaan siya sa Med Contour Slimming na kung saan ang target nila ay matatanggalan ito ng 60 to 70 pounds sa loob ng apat na buwan.

Dalawang linggo pa lang nga itong prosesong ito kay Nadia, nabawasan na raw siya ng 6 pounds, kaya tuluy-tuloy na raw ito.

Kapag pumayat daw siya posibleng babalik siya sa pag-aartista at ang ganda-ganda na naman ngayon ng hitad!

Pagod na raw kasi siya sa mga naririnig niyang sayang ang ganda niya dahil napakataba niya.

iInayagan naman daw siya ni Boy Asistio na magpa-Med Contour Slimming sa Mikaela para naman sa ikabubuti ng sarili niya.

Kaya lang, kapag payat na si Nadia, mataypan pa kaya siya ni Boy, eh, mga matataba ang type nito, ‘no?!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING