Pagkatapos ni Gretchen Barretto: Angelica Panganiban, kay Claudine naman nakipagbangayan!

ADVERTISING

Pagkatapos ni Gretchen Barretto: Angelica Panganiban, kay Claudine naman nakipagbangayan!

Pagkatapos ni Gretchen Barretto: Angelica Panganiban, kay Claudine naman nakipagbangayan!GUSTO SANA NAMING pumunta sa live airing ng Showbiz Central last Sunday para mahingan ng reaksiyon si Claudine Barretto na guest co-host for the said showbiz-oriented talk show. Ito’y kaugnay ng napapabalitang umiinit na iringan nila diumano ng seksing young actress namang si Angelica Panganiban.

Nag-iisip na nga kami kung paano ang tamang approach kay Claudine, kung paano tatanungin hinggil sa gano’ng siyu sa kanila ni Angelica sa kasalukuyan. Ang kaso, isang close sa kanya ang nag-advice sa amin na huwag na raw kaming mag-effort pa kung iyon din lang ang papaksain ng gagawin naming interview sa kanya. Hindi raw kami magwawagi na mapagsalita ang aktres for sure. Kaya nga raw wala ring iba pang reporter na nangangahas to ask her about it.

Hindi malinaw kung ano ang puno’t dulo ng biglang pagsiklab ng away between Claudine and Angelica. Basta ayon sa usap-usapang kuwentong nakarating na rin sa amin, may nanggatong daw na pag-awayin ang dalawa.

Si Claudine daw, kaagad-agad daw naman diumanong naniwala sa mga sulsol at maling parating sa kanya. Hanggang sa nanggalaiti na raw sa galit at nagsimulang away-awayin na si Angelica through text.

ADVERTISING

Kalaunan, tumatawag-tawag na rin daw diumano itong si Claudine para awayin at taray-tarayan daw si Angelica. Naloloka naman daw ang huli na napu-provoke ding makipagsagutan na.

Hanggang sa hindi na diumano kinakaya nitong si Angelica ang ginagawang pang-aaway sa kanya ni Claudine through cellphone text and calls. Nag-decide umano ang dalaga na magpalit na lang ng number.

Na siguro raw ay lalong ipinanggalaiti sa galit ni Claudine, kaya sa Twitter naman daw ngayon idinadaan ng aktres ang pang-aaway kay Angelica. As in grabe raw talaga ang mga patutsada niya sa seksing young actress gaya diumano ng – ‘kung hindi pa ko umalis sa ABS-CBN hindi ka siguro mabibigyan ng sariling seryeng pagbibidahan.’

Siyempre, palaban at hindi rin daw umuurong sa tarayan si Angelica na sumasagot naman diumano ng kontra pagtataray gaya ng patutsadang ‘hindi naman daw nagri-rate ang drama anthology ni Claudine sa GMA-7’. Talagang umaatikabo na raw ang matataray at ubod ng anghang nilang sagutan.

We also want sana to try getting Angelica’s side on this. Pero nasa abroad pala ito sa kasalukuyan.

Sa pagkakaalam namin, dati namang friends sina Claudine at Angelica. And they also had a very good working relationship when they did the primetime series Iisa Pa Lamang noong Kapamilya pa si Claudine.

Tumatak nga sa isip ng publiko ang hindi mabilang na mga tagpong nagsasagutan sila ng mga ubod ng tataray na linya nang bonggang-bongga. At kung paano sila mag-away at magtalalakan sa mga eksena nilang iyon sa nasabing pinagsamahan nilang teleserye, gano’n din nga diumano kung patutsadahan nila sa ngayon.

So, ano nga bang dahilan? May kinalaman kaya ang naging away nina Claudine at Angelica sa naging away noon ng elder sister ng una na si Gretchen Barretto?

Whatever it is na naging mitsa ng matinding awayan nila ngayon, tanging sina Claudine at Angelica lang ang makapagsasabi ng totoong kuwento sa likod nito.

Kung kelan pa napapabalitang unti-unti nang nagkakabati sina Angelica at Gretchen, saka naman biglang si Claudine naman ang makakaaway ng dalaga.

Ano ba ‘yan?

WALANG PAHINGA SI Rocco Nacino lately. Nitong August 9 to 11, dire-diretso ang kanyang taping para sa bagong episode ng Love Bug kung saan sila ni Lovi Poe ang magkapareha. Sa Palawan ang kanilang location pero hindi umano na-enjoy ng binata ang magagandang spot doon dahil mabilisan ang kanilang trabaho para matapos agad ang mga eksenang kailangang makunan.

Pagbalik naman nila ng Manila, sandali lang daw siyang nagpahinga at pagkatapos, diretso naman siya sa birthday ng ka-batch niya sa Starstruck V na si Enzo Pineda, and then sa taping naman ng bagong sitcom ng GMA-7 na Kaya Ng Powers siya sumabak. Tapos, taping ulit para sa Love Bug na rito na lang sa Manila ang set.

And then, rehearsal naman para sa opening ng Eat… Bulaga! After no’n, rehearsal naman ng production number para sa Party Pilipinas at live performance no’n for the said musical variety show kinabukasan.

Halos umuuwi na lang daw siya ng bahay para maligo at magbihis and then lalarga na naman for work. Gano’n pa man, happy raw si Rocco sa patuloy na gumagandang takbo ng kanyang career.

Kaya nga raw kahit wala munang lovelife, okey lang sa kanya. Wala umanong ibang mahalaga sa kanya kundi ang makapag-focus muna sa kanya career.

‘Yong balitang pumuporma na raw siya kay Lovi lalo at balitang break na ito at si Ronald Singson, ngumingiti-ngiti na lang si Rocco kapag natatanong. Magkaibigan daw sila ng young actress sa ngayon. Ewan lang daw niya kung saan iyon hahatong.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING