PAGKATAPOS NG PATIKIM SA ‘ANG PANDAY’: McLisse magsisimula nang magsyuting ng kanilang launching movie!

ADVERTISING

PAGKATAPOS NG PATIKIM SA 'ANG PANDAY': McLisse magsisimula nang magsyuting ng kanilang launching movie!

PAGKATAPOS NG PATIKIM SA 'ANG PANDAY': McLisse magsisimula nang magsyuting ng kanilang launching movie!
MCLISSE: McCoy de Leon and Elisse Joson

NAGPATIKIM NA ang tambalang McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson) ng kanilang chemistry sa MMFF movie na Ang Panday at ayon sa kanila, may dapat pa raw abangan sa 2018 ang kanilang supporters.

Ayon kay Elisse, kung hindi magkakaroon ng problema ay magsisimula na silang magsyuting ni McCoy ng kanilang launching movie ngayong January. At kung medyo nabitin daw ang fans sa screen debut nila as loveteam sa Panday, wala na raw  mabibitin sa second team-up nila.

 Kahit hindi major role, napakasipag mag-promote nina McCoy at Elisse ng Ang Panday. Talagang naging very cooperative sila sa mga mall tours at TV guestings na siyempre ay ikinatuwa ng production team ng Ang Panday.

“Sobrang thankful din po kami, kasi Ang Panday ito, eh. Kumbaga, legacy na po, so ngayon na si Coco Martin (ang gumawa), sobrang laking bagay po sa amin,” reaksyon naman ni Elisse.

ADVERTISING

Eh, ano nga ba ang reaksyon nila sa pag-aalagang ginagawa ng ABS-CBN sa kanilang tambalan?

 “Lahat naman siguro puwedeng i-groom o alagaan ng ABS pero siguro, para sa amin, iniisip namin na kaya kami nandito dahil din sa mga taong sumusuporta sa amin. Swerte kami and very thankful,” reaksyon naman ni McCoy.

Hirit naman ni Elisse: “Challenge din po para sa amin na mapatunayan na parang deserve na maging nandito po sa posisyon namin  kaya kailangang… Pressure din po sa amin na ibigay lahat.”

Samantala, parehong napapanood ang dalawa sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na The Good Son kasama sina Joshua Garcia, Nash Aguas, Jerome Ponce, Eula Valdez at Mylene Dizon.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING