Pagkatapos ng honeymoon
Marian Rivera at Dingdong Dantes, sabak agad sa kanilang bagong projects

<i>Pagkatapos ng honeymoon</i><br> Marian Rivera at Dingdong Dantes, sabak agad sa kanilang bagong projects

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraMARAMI ANG natuwa sa pagbabalik ng bagong kasal na Dingdong Dantes at Marian Rivera at lalo pa yatang gumuwapo si Dingdong at gumanda si Marian pagkatapos nilang magpakasal at mag-honeymoon sa Boracay at Europe.

Nu’ng nakaraang Sabado ay napanood ko si Marian sa Eat… Bulaga! at ang ganda ang pagpayat niya.

Nakikita mo talaga sa kanya ang excitement nang makita niya ang mga Dabarkads niya sa Eat… Bulaga!. Ang saya nila!

Si Dingdong naman ay nasa Sunday All Stars kahapon, at na-interview rin nga namin sila sa Startalk.

Napag-uusapan na ngayon kung ano ang gagawin nilang drama series at alam kong inaayos na nila ngayon.

Ang narinig ko, gaganap na isang tomboy si Marian sa drama series na gagawin niya, at first time niya itong gagawin. Kaya malaking challenge sa kanya ‘yan!

Si Dingdong yata ay may drama series ding gagawin na kung matutuloy, si Carla Abellana raw ang makapa-partner niya. Tingnan na lang natin dahil feeling ko riyan, may mga mababago pa riyan.

Abangan na lang natin ‘yan! Dapat naman talagang mapanood na natin ang GMA Primetime King and Queen

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis