Pagkatapos ng event ng Kapuso sa Boracay Bianca King, nagpaiwan kasama si Dennis Trillo!

KUNG NAPANOOD n’yo ang Startalk nu’ng nakaraang Sabado, nakita n’yo ang live coverage namin sa Kapuso Weekend in Boracay na dinaluhan ng mga Kapuso stars.

Ang dami ngang nagpuntahan du’n, kaya si Butch Francisco ang pinapunta du’n para mag-cover.

Ilan sa namataan ng Startalk sina Dennis Trillo at Bianca King na halata namang sila na. Nakita ng Startalk staff namin na naghu-holding hands sila, kaya kahit wala pa silang inaaming sila na talaga, nakikita naman sa mga kilos nila kaya hindi na kailangang kulitin.

May sore eyes pa si Dennis doon kaya hindi ito gaanong sumali sa mga games ng naturang event. Kasama pa roon ni Dennis ang pamilya niya at pati ang anak niyang si Calix, dahil doon na rin niya sine-lebreyt ang kanyang kaarawan.

Nag-uwian na ang mga stars kahapon, pero nagpaiwan pa sila ni Bianca roon ng dalawang araw para magkasama sila nang medyo matagal para sa kanilang birthday.

Ayaw naman nilang sabihin kung ano ang birthday gift ni Bianca sa aktor, pero naibigay na pala nila ito three months ago pa, at ginagamit na raw ito ni Dennis. Mas gusto raw nilang tahimik na lang para hindi na maging showbiz ang kanilang relasyon.

Kung gaano katahimik sina Dennis at Bianca, medyo magulo naman at hindi gaano maintindihan kung ano talaga ang meron kina JayR at Krista Kleiner. Magkasama na naman silang dalawa roon sa Boracay, pero hindi pa rin daw sila nagkabalikan.

Patuloy pa rin daw ang panunuyo ni JayR sa dating beauty queen na magkabalikan sila, pero ayaw pa muna nito dahil hurting pa rin daw siya. Inaamin naman ni Krista na mahal niya si JayR, pero hindi pa raw siya handang magkabalikan sila. Mabuting friends daw muna sila na hindi naman matanggap ni JayR dahil gusto raw niyang mabalik ang dati nilang relasyon.

Pero tingin ko naman diyan, magkakabalikan din sila. Medyo nairita na nga ang mga tao sa pagsubaybay sa kanila dahil hindi mo naman talaga alam kung drama lang ‘yun dahil parang wala namang nabago, eh!

MALUNGKOT NAMAN ang pag-celebrate ni Lani Mercado ng Mother’s Day kahapon dahil sumakabilang buhay na ang ina niyang si Justa G. Hernandez.

Nu’ng Biyernes ng gabi ay nag-text sa akin si Lani na isinugod nila sa hospital ang mommy niya dahil nagkaroon daw ito ng massive brain hemorrhage. Matagal nang may sakit ang mommy ni Lani at medyo malala na ito nang isinugod nila sa hospital.

Nag-uwian na nga ang mga kapatid niya sa Amerika at tamang-tama naman kahapon ng alas-tres ng madaling-araw ay pumanaw na ito. Nataon talaga na Mother’s Day kaya malungkot ang selebrasyon nila ng araw na ito.

Sa Heritage Memorial Park nakaburol ang ina ni Lani, pero hindi ko pa alam kung kailan ito ililibing.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePanibagong kaso vs Dj Mo Twister
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 64 May 14 – 15, 2012 Out Now!

No posts to display