PAGKATAPOS NG BAKASYON SA BALI: Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, kasal naman ang aasikasuhin?

ADVERTISING

PAGKATAPOS NG BAKASYON SA BALI: Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, kasal naman ang aasikasuhin?

PAGKATAPOS NG BAKASYON SA BALI: Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, kasal naman ang aasikasuhin?
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

BONGGA! For the first time ay nagbakasyon ang magsing-irog na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na walang kasama na chaperone.

Yes, silang dalawa lang ag magkasama sa kanilang vacay sa Bali (Indonesia) on their own compare noon na “bawal” na maglakwatsa ang magkarelasyon na walang alalay o kasama ang Pop Princess lalo pa’t sa higpit ng ina na si Mommy Divine, palagi ay may bantay.

Kaya madami sa mga fans ni Sarah ang natuwa sa development na ito. “She deserves to be happy. “Tamang panahon,” comment sa IG posting namin ng isang 49 years old mom na fan ng dalaga.

Ang dahilan ng kanilang vacay ng dalawa ay para i-celebrate ang kanilang ika-6th year romantic anniversary.

ADVERTISING

Sa pagbabalik ng magkarelasyon mula sa bakasyon nila, aatupagin naman ng Pop Princess ang kanyang pelikulang “Unforgetable” for Viva Films na showing on October 23. Si Sarah mismo ang may idea na wala siya magiging leading man sa pelikula kundi ang alaga niyang aso na makakasama niya sa mga eksena na dinirek ni Jun Lana.

Sa movie, kakaiba ang role ng dalaga. Isang autistic si Sarah sa movie. Yong functioning na nakakagawa ng regular na trabaho ng isang normal na tao.

Sa Unforgettable makakasama niya sina Regine Velasquez (na nagbabalik pag-arte sa pelikula) at Ara Mina.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING