PAGKATAPOS MA-OSPITAL: Gabbi Garcia, rumampa patungong Japan para sa isang endorsement shoot

ADVERTISING

PAGKATAPOS MA-OSPITAL: Gabbi Garcia, rumampa patungong Japan para sa isang endorsement shoot

PAGKATAPOS MA-OSPITAL: Gabbi Garcia, rumampa patungong Japan para sa isang endorsement shoot
Gabbi Garcia

DALAWA sa mga main cast ng bagong teleseye ng GMA Kapuso Network na “Sherlock Jr.” ay hindi nakasipot sa kanilang grand presscon na ginanap recently.

Ang tinutukoy namin ay sina Ai Ai delas Alas at ang ka-loveteam ng bida ng serye na si Ruru Madrid playing Jack na isang investigative reporter na si Gabbi Garcia.

Nasa ospital si Gabbi noong gabing nagkaroon ng presscon ayon sa mga taga- TV production para sa serye na pagsasamahan nila ng rumored girlfriend ng binata.      

Si Ai Ai naman, sumama ang pakiradam kaya hindi rin nakasipot

ADVERTISING

After ng  2 days hospitalization ng dalaga, straight to the airport naman si Gabbi patungong Tokyo, Japan para sa isang exciting job na sa pagkakaalam ko ay para sa isang cosmetic line na Maybelline na sa latest IG posting ng dalaga na kuha sa airport ay hawak-hawak niya ang isang folder na may  imprenta ng naturang cosmetic line.

Sa bagong serye na masasabing solo-lead ni Ruru ay makakasama nila ang talented na golden retriever na si Serena (Siri) na ka-sidekick ng young actor sa kanyang mga pag-iimbistiga.

PAGKATAPOS MA-OSPITAL: Gabbi Garcia, rumampa patungong Japan para sa isang endorsement shoot
Gabbi Garcia with Siri

Sayang na during the presscon ay wala ang dalaga at naitanong ko sana ang opinyon niya tungkol sa bashing ng mga fans nila ni Ruru kay Janine Gutierrez na sa seryeng Sherlock Jr. ay ka-loving loving ng binata itong si Janine sa mga eksena as his girlfriend.

Ang bagong serye ay mapapanood na simula sa Monday, January 29 on GMA Kapuso after 24 Oras.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING