Pagkatapos kay Dennis Trillo Jennylyn Mercado, si Luis Manzano naman ang kasama sa Hong Kong

ADVERTISING

Pagkatapos kay Dennis Trillo Jennylyn Mercado, si Luis Manzano naman ang  kasama sa Hong Kong

Pagkatapos kay Dennis Trillo Jennylyn Mercado, si Luis Manzano naman ang  kasama sa Hong Kong SI NORA AUNOR NGAYON ang pinag-uusapan dahil natuloy na rin ang pagdating niya.

Ang sabi, isang buwan lang daw siya rito at babalik din ng Amerika dahil mini-series lang ang gagawin niya sa TV5 at ang pelikula nito kay ER Ejercito.

Tiyak na siya ang pag-uusapan habang nandito siya dahil inaasahan ko na kung ano ang mangyayari.

Siyempre ayoko munang sabihin kung ano ‘yun, pero pinag-uusapan na namin kung ano ang posibleng magaganap habang nandito si Ate Guy.

ADVERTISING

Ang puwede ko lang masabi ay umokey na si Boyet na mag-guest sa mini-series ni Nora.

Kaya ang isa sa pinaka-excited sa project na iyan ay si Eugene Domingo dahil sobrang laki pala ang paghanga nito kay Nora. Mga pelikula raw ni Nora ang una niyang napanood sa sine dahil berdaderong Noranian daw pala ang kanyang ina.

Kaya sabi nga ni Uge, tiyak na matutuwa raw ang nanay niya kapag nalamang may gagawin itong project na makakasama si Nora.

Ang gusto pa naman ni Uge na makasama niya sa isang project ay ang mga iginagalang niya sa showbiz gaya ni Nora, Boyet, Dolphy at Vilma Santos. Kaya Nora at Boyet ang kasama niya rito sa project ng TV5, maloloka na siya sa tuwa niyan, lalo na ang nanay niya.

Alam n’yo ba kung sino pa ang type na type na sumali sa mini-series ni Nora? Ang alaga kong si Gladys Reyes!

Kinukulit ako na isali raw siya kahit guest lang. Noranian din kasi ang Mama niya at malaki rin ang paghanga niya sa Superstar.

Sana nga, maganda ang kalabasan ng mga pro-jects na gagawin dito ni Nora. Abangan na lang natin!

 

NAGSIMULA NA NU’NG Lunes ang Time of My Life ni Mark Herras at ka-partner niya rito si Kris Bernal kasama si Rocco Nacino.

Pero sa totoo lang, iba pa rin talaga ang magic ng tandem nina Mark at Jennylyn Mercado, huh!

Ang taas ng rating ng Showbiz Central nu’ng Linggo lalo na sa portion na may interview si Jennylyn kay Mark.

Sila pa rin ang gusto ng mga fans kaya hindi malayong magsama uli sila sa isang project.

Sa ngayon, dito muna sa Time of My Life ang focus ni Mark at maganda naman ang resulta. Sana tuluy-tuloy na mataas ang rating nito.

Samantala, iniiwasan na ni Jennylyn na pag-usapan ang tungkol sa biyahe nila ni Luis Manzano sa Hong Kong.

Si Jennylyn talaga, ang hilig sa Hong Kong!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING