Pagkatapos kay Bela Padilla: Venus Raj, tinarayan din ni Marian?

ADVERTISING

Pagkatapos kay Bela Padilla: Venus Raj, tinarayan din ni Marian?

Pagkatapos kay Bela Padilla: Venus Raj, tinarayan din ni Marian?LAST MONDAY, ISANG masayang Akihiro Sato ang nabungaran naming namimigay ng pagkain at school bags sa mga chosen under-nourished grade 1 pupils ng Tomas Morato Elementary School sa may Kamuning Quezon City. Imbes kasi na magpa-party sa kanyang birthday, mas pinili niyang i-celebrate na lang ito sa gano’ng charitable activity sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of New Manila South at ng presidente nitong si Cristina Decena.

“Ang sarap ng feeling na you get involve with something for a good cause like this,” anang Brazilian model-turned actor. “Especially if it’s for the kids. Mahilig kasi ako sa mga bata.”

Birong sunod na tanong namin, bakit wala ang girlfriend niya? Pagbalik kasi niya mula sa pagsali sa celebrity edition ng Survivor-Philippines, umamin siyang hindi na raw siya loveless. Pero hindi niya tinukoy kung sino ang kanyang girlfriend sa ngayon.

Hindi raw talaga niya ito gustong i-expose sa publiko. At ayaw rin daw ng girlfriend niyang sumasama-sama sa kanyang mga lakad na kunektado sa showbiz o sa trabaho niya.

ADVERTISING

Mas maganda naman daw ngang maihiwalay ang personal life sa pagiging model at artista niya.

“She’s not an artista. She’s an ordinary individual. Mas gusto niya to stay in the house na lang most of the time. All she want is a normal life.”

Actually kababata raw niya ito. After 15 years, they met again nang umuwi raw siya sa Brazil for a holiday vacation late part of last year. And since dati na raw silang parang may mutual understanding, ‘yong muling pagkikita nilang iyon ay humantong na sa pormal na pagkakaroon ng relasyon. Eight months na raw ang itinatakbo ng kanilang pagiging mag-on.

From Brazil, sumunod daw rito sa Pilipinas ang nasabing girl who decided to stay here with Akihiro since she arrived last February. Hindi naman itinanggi ng binata na right now, they are living together daw.

So… kailan na ang kasal?

“Wala pa!” natawang sagot ni Akihiro. “We need to plan for it na mabuti. And kailangan prepared talaga both of us.

“Pero siyempre naman, we have plans of getting married. Pero gusto ko before that, ma-plan muna ‘yong future na kailangan sigurado na stable talaga. Siguro… baka next year puwede na. Kaya I need to work harder muna. Gusto ko, focus more on my career.”

Pretty raw ang kanyang girlfriend. Hindi lang pang-model umano kundi pang-artista rin ang dating. Kaso, wala raw itong interes. At ayaw rin naman daw niya na mag-showbiz ito kaya hindi niya ini-encourage.

Usap-usapan ang diumano’y leakage na siya raw ang winner sa celebrity edition ng Survivor-Philippines. Natawa lang ulit si Akihiro nang matanong namin about it.

“I hope. Hindi ko alam po. Pero sino ba ang ayaw na maging winner.”

Naman!

CASE CLOSED NA kung tutuusin ang awayan issue sa pagitan nina Marian Rivera at Bela Padilla. Pinagbati na sila ng GMA-7, kaya okey na. Ang kaso, tuloy pa rin ang mga hindi magagandang usapin about Marian na nakabandera rin hanggang sa internet.

Ang latest na intriga tungkol sa aktres, si Venus Raj naman ang involve. Nag-taping kasi ang beauty queen as guest sa sitcom na Show Me The Manny a couple of weeks ago. Okey naman daw ang pakikitungo ni Marian sa 4th runner up ng katatapos na Miss Universe Pageant.

‘Yon nga lang, nang makaalis na raw si Venus pagkatapos ng taping, nagdayalog daw itong si Marian ng hindi raw pala ito maganda sa personal, paano umano ito naging 4th runner up sa Miss U.?

May ganyan talaga?

Si Venus naman, ayaw raw patulan ang nasabing isyu. Ang nasa isip umano nito, baka naman daw may nang-iintriga lang. Mahirap daw na basta na lang maniwala sa sabi-sabi o tsismis lang.

Kung sa bagay!

SPEAKING OF MARIAN Rivera, hindi na nga nagsasalita ng anuman against her si Bela Padilla dahil pinag-ayos na nga sila ng pamunuan ng GMA-7. Pero may inirereklamo pa rin ang huli, hindi kay Marian kundi sa mga fans nito naman.

Sa Party Pilipinas, may grupo ng mga tagahanga ni Marian na kumalabit daw kay Bela. Ang akala naman umano niya, mga fans na gustong magpa-picture. Pero paglapit niya, bigla na lang daw siyang sinabihan ng ‘ang pangit-pangit mo… mukha kang bakla!’

Supporters daw pala ni Marian na nagalit din sa kanya. Hindi na raw naka-react si Bela. Lumayo na lang at patagong iniyakan na lang ang umanong nasabing insidente.

Hindi kaya dapat ay kausapin ni Marian ang kanyang fans na okey na sila ni Bela. Ito naman ay kung sakaling totoo nga na tinataray-tarayan daw ng mga ito ang baguhang aktres na pamangkin ni Robin Padilla.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING