Pagkapanalo ni Daniel Matsunaga sa PBB, posibleng mabawi

ADVERTISING

Pagkapanalo ni Daniel Matsunaga sa PBB, posibleng mabawi

Daniel-MatsunagaKAWAWA NAMAN si Daniel Matsunaga, ang Brazilian-Japanese na dumayo ng Pilipinas na nakipagsapalaran para magkaroon ng career sa modeling at showbiz ay nalalagay ngayon sa intriga.

Matapos manalo last Sunday sa PBB All In, heto’t naglabasan na ang mga super sexy pictorial ni Daniel na kuha sa mga gay Thai magazines noong hindi pa siya kilala sa ‘Pinas at nagmo-moonlighting pa as a “model” sa Bangkok.

Nakita na namin ang pictorial niyang ito. Alam mong batang-bata pa si Daniel at nakikipagsapalaran pa lang sa mundo ng modeling.

Sa Thailand kasi, normal lang ang mga sexy magazines for male na may malaking market sa mga gay and bisexual males sa Asia at sa buong mundo.

ADVERTISING

Sa litrato, kita ang kabuunan ng katawan ni Daniel na nakabandana pa habang takip-takip ng isang kamay niya ang kanyang “notes” na nakalitaw ang pubic hair at ang isang shot ay nakatalikod na kita ang kanyang puwet.

Balita nga namin, isa sa mga rason kung bakit naghiwalay sina Heart Evangelista at Daniel noon ay dahil nabuking ng mga magulang ng dalaga na isang “sexy model” si Daniel noon sa Bangkok bago ito napadpad sa Pilipinas.

Kawawa naman ang binata na dahil sa kanyang sexy pictorial, nalalagay siya sa alanganin ngayon na puwede maging dahilan ng pagkabawi ng kanyang pagkapanalo kung ang moralidad at imahe ay malaking isyu sa PBB kung saka-sakali.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING