Pagiging ‘pornstar’ ni AJ Raval hindi suportado ng amang si Jeric Raval

Leo Bukas
IPAKIKILALA ng Viva Films ang anak ni Jeric Raval na si AJ Raval sa  sexy comedy film na Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar ni Direk Darryl Yap. Base sa trailer, mapangahas ang role ni AJ sa pelikula dahil huhubugin siya bilang isang pornstar.

Ayon sa dalaga, hindi alam ng kanyang ama ang ginawa niyang pagpapaseksi sa #Pornstar at sigurado raw na ikagagalit ito ng kanyang tatay. Kontra raw kasi si Jeric na magpaseksi siya sa pelikula. As much as possible, ang gusto raw ni Jeric ay mga wholesome roles lang ang kanyang gagawin.

Pagiging 'pornstar' ni AJ Raval hindi suportado ng amang si Jeric Raval
AJ RAVAL

Sa virtual presscon para sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar ay inamin ni AJ na hindi supportive si Jeric sa career path a gusto niyang tahakin.

Lahad ni AJ,  “To be honest po, never siyang naging supportive sa pagpapaseksi ko.”

Sariling desisyon niya raw ang magpaseksi sa big screen dahil nasa tamang edad na siya. Wala rind aw siyang siyang nakikitang masama dito.

“Nasa edad na rin po ako. Meron na rin po akong sariling desisyon. Hindi po ako nagpa-alam. Kasi ayaw niya nga po na nagpapa-sexy ako. So, hindi nalang ako sa nagpa-alam,” rason ni AJ.

Ayon pa sa Viva star hindi siya kinakausap ngayon ng kanyang ama at alam niyang magagalit ito sa kanyang ginawa.

“Hindi niya ako kinakausap. Pinapabayaan niya lang din po ako. Ito pong movie, hindi pa po niya alam na ginawa ko, na nagpaseksi ako. Pero ine-expect ko na rin po ang reaksyon niya, na magagalit siya sa akin,” sabi pa ni AJ.

Pagiging 'pornstar' ni AJ Raval hindi suportado ng amang si Jeric Raval
Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, AJ Raval and Alma Moreno

Bida rin sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar ang mga dating sex goddesses ng Philippine cinema ng kanilang henerasyon tulad nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Maui Taylor at Ara Mina.

Ang pelikula na milyon-milyon na trailer views ay mapapanood  sa Vivamax, ang subscription video-on-demand streaming service ng Viva at sa mga sinehan simula Jan. 29.