Pagda-diet ni Loisa Andalio, para sa career at hindi dahil sa lalaki!

ADVERTISING

Pagda-diet ni Loisa Andalio, para sa career at hindi dahil sa lalaki!

Pagda-diet ni Loisa Andalio, para sa career at hindi dahil sa lalaki!
Loisa Andalio | Grabbed from @iamandalioloisa IG account

SA EXCLUSIVE INTERVIEW namin kay Loisa Andalio during the presscon of 4 Of A Kind (The Unforgettable Concert) kasama sina Kristel Fulgar, Sue Ramirez at Maris Racal ay nai-share niya sa amin kung bakit blooming na blooming ang beauty niya ngayon.

 
Para lang po akong nanalamin sa inyo,” natatawa biro niya sa amin.
 
“Nagwo-work out po kasi ako. Talagang pinaghirapan rin po yan. Nagda-diet din po ako,” seryoso na niyang pahayag.
 
Patuloy pa ni Loisa, “Dati po napakatakaw ko. Ngayon, talagang kailangan maging strict sa pagkain. Puro prutas po ako ngayon. Nuts din po.
 
“Hindi na po ako nagra-rice, siguro simula pa last year.”
 
Mas nadagdagan din daw ang self confidence niya simula nu’ng pumayat siya.
 
Aniya, “Mas okey siya. As in, nag-boost yung confidence ko sa sarili. Kasi dati nahihiya akong mag-shorts, magpakita ng legs, ng skin.”
 
Hindi ba special someone ang dahilan ng pagda-diet at pagiging blooming niya?
 
“Ay, hindi po. Para po ito sa sarili ko. Para rin sa career. Ha-ha-ha,” rason niya.
 
Eh, ano naman ang reaksyon niya na unti-unti na siyang napapansin ng ABS-CBN? In fact, napakataas ng rating ng kanyang episodes sa Wansapanataym few months back?
 
 “Siyempre masaya po ako kasi nabibigyan po ako ng opportunity. Kasi di ba, napakarami po naming artista dito, sobrang dami po talaga kaya happy po ako na nabibigyan ako ng break.
 
“Ako naman po, wala akong sinasayang na… as in, kahit anong ibigay sa akin tinatanggap ko po talaga at binibigay ko po yung best ko talaga,” sambit pa niya.
Gaganapin ang 4 of A Kind concert sa Music Museum on July 8.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING