Pagbubukas ng Sir Boy’s Food Republique, dinaluhan ng mga bigating pangalan sa pulitika at media

ADVERTISING

Pagbubukas ng Sir Boy’s Food Republique, dinaluhan ng mga bigating pangalan sa pulitika at media

Pagbubukas ng Sir Boy’s Food Republique, dinaluhan ng mga bigating pangalan sa pulitika at mediaSAAN KA makaka-hanap ng isang lugar kung saan puwedeng magsama-sama ang mga bigating pangalan sa pulitika at media? Saan pa kundi sa Sir Boy’s Food Republique. Sir Boy’s Food Republique is home to one of the best home cooked Filipino cuisine.

Nagkaroon ng grand opening ang Sir Boy’s Food Republique noong November 8 ng nakaraang taon.

Sina House Speaker Sonny Belmonte, QC Mayor Herbert Bautista, QC Vice Mayor Joy Belmonte, at Brgy Captain Leopoldo Tiamzon ang pormal na nagbukas ng Food Republique with the ceremonial cutting of the ribbon.

Mr. Boy So is so well-loved by celebrities kaya hindi kataka-taka na dumalo sa bonggang pagtitipon ang mga kilalang personalidad. Among the well-wishers ay sina Sitti, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Tintin Bersola, Julius Babao, Phoemela Baranda, K Brosas, Laarni Lozada, Hansen Nichols, K-La Rivera, Direk GB Sampedro, Kim Idol, Triz Reyes, Erik Santos, Faith Cuneta, Diana Zubiri, Dagul, at Kiray. I am the endorser of Food Republique.

ADVERTISING

Pagmamay-ari ni Mr. Boy So ng La Carmela de Boracay Resort Hotel, ang Sir Boy’s Food Republique ay isa sa limang restaurants sa ilalim ng La Carmela Group. Ang Sir Boy’s Food Republique ay may pagkaing lutong-bahay tulad ng adobo, kare-kare, mechado, Bicol express, tinola, sisig, bulalo, crispy pata, kaldereta, puchero, dinuguan, paksiw, nilaga, sinigang at marami pang iba. Mura na masarap pa.

Unique ang Sir Boy’s Food Republique dahil paiba-iba ang menu nito araw-araw. Hindi magtatagal at ang Sir Boy’s Food Republique ay mag o-offer kada buwan ng iba’t ibang regional food tulad ng Ilocano, Kabalen, Ilonggo, Waray, at iba pa.

Pinaka-attraction ng Sir Boy’s Food Republique ay ang buffet at 99 pesos from 10am to 10pm (99-10-10). At hindi lang ‘yan. Sa Food Republique, meron ding Dimsum Boy (pork siomai, chicken feet, kutchay dumpling, spare ribs, wanton noodles), Sir Boy’s BBQ (pork and chicken BBQ, Bam-i), Sweet Boy (all cakes and pastries), and Sir Boy’s Dampa (fresh seafood cooked either grilled or with soup (sinigang based) sa murang halaga! Hindi kasama ang mga ibang food outlet na ito sa eat all you can buffet.

Ang Sir Boy’s Food Republique ay matatagpuan sa No. 29 Panay Avenue cor. near Roces Street, Quezon City. Malapit din ito sa Capitol Medical Center. Para sa mga inquiries at reservations, maaaring tumawag sa (0917) 638-8003 or 227-0300.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING