WINNER! Pagbibida ni Sanya Lopez sa ‘First Yaya’ tanggap ng mga fans

MASASABI natin na si Sanya Lopez talaga ang perfect replacement para kay Marian Rivera sa ‘First Yaya‘. Ngayon na nasa second week na ito ay lalong marami ang nakaka-relate sa pinagdaraanan ni Yaya Melody at kinikilig sa namumuong love story sa pagitan nila ni President Glenn Francisco Acosta played by no other than Mr. Gabby Concepcion.

WINNER! Pagbibida ni Sanya Lopez sa 'First Yaya' tanggap ng mga fans
Sanya Lopez

Kung noon ay laging inaasar ang sexy actress na siya ay ‘bida-bida’ ng kanyang Kuya Jak Roberto, talagang confirmed na hindi lang basta ‘bida-bida’ kundi pang-bida talaga ang fast rising Kapuso star na ito. Kahit na in reality ay malaki rin ang agwat ng edad nina Gabby at Sanya (32 years age gap) ay nagawan nila ng paraan na magwork ang chemistry nila.

In fairness, very youthful pa rin naman talaga ang dating ni Gabby Concepcion na hanggang ngayon ay isa pa rin sa bankable leading men sa telebisyon as proven with his past works with younger leading ladies like Carla Abellana, Sunshine Dizon, Ryza Cenon and Jennylyn Mercado.

Pero para sa amin, tila ang GabNya o SanBy ang pinakafresh na nakikitaan din namin na may potensyal na magkaroon ng isang hit romance-comedy film. Perfect timing din ang labas ng First Yaya dahil ito’y feel-good lang. Mas kailangan natin ngayon ng pampa-good vibes na content sa telebisyon na puno ng nakakakilabot na real-life news. Masarap din mangarap na may presidente tayo na tulad ni Pres. Acosta, huh!

WINNER! Pagbibida ni Sanya Lopez sa 'First Yaya' tanggap ng mga fans
Gabby Concepcion and Sanya Lopez

Kahit na hindi natuloy ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa proyektong ito na understandable naman ang dahilan (s’yempre family first sa ating hands-on mother!), hindi naman nasayang ang materyal na ito at napunta sa isa pang Kapuso talent na deserve ang isang malaking break.

Ang tanong: Magtutuloy-tuloy ba ito? Sana ay ma-sustain ang ganda ng takbo ng karera ni Sanya dahil sa totoo lang, nakuha nito ang star power nina Jennylyn Mercado at Marian Rivera na mahirap na mahanap ngayon sa mga artista. Sana pagkatapos nito ay mabigyan ito ng matinong movie projects para magtuloy-tuloy ang pagningning ng kanyang bituin. Yay or Nyay? Yaya Yeah!