Pagbalandra ng ‘pa-bukol’ photo ni Derrick Monasterio, pinagpipiyestahan

TREND ba ngayon sa mga male hunk actors ang pagsusuot ng white briefs kung saan kitang-kita ang bukol ng kanilang junior?

Ito na lang ang naisip namin nang tumambad sa aming social media feed ang mapangahas na larawan ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio (na matagal na rin hindi nararamdaman) kung saan naka-suot lang ito ng puting brief para sa kanyang endorsement para sa isang local brand.

Pagbalandra ng 'pa-bukol' photo ni Derrick Monasterio, pinagpipiyestahan
Derrick Monasterio in white briefs

“Best part of being a [underwear brand] model is having UNLIMITED UNDERWEAR!

“Seriously though been wearing them since I was in highschool and it’s an honor to represent this brand.” Derrick proudly posts sa kanyang social media account.

Siguro ay makakatulong din ito para maalala siya ng kanyang fans and admirers. Sa katunayan, ngayon lang namin nalaman na may ongoing show pala ito sa GMA na Catch Me Out Philippines bilang isa sa Celebrity Spotters. O ha, ngayon naman ay ang ‘junior’ naman niya ang spoteed! Pak!

More than a week ago ay nagtrending naman ang scene drop ng upcoming sexy-drama show ng Kapamilya na ‘Init sa Magdamag’ kung saan naka-brip lang ang kontrobersyal actor na si Gerald Anderson na kasama sa eksena ang equally sexy na si Yam Concepcion.

In fairness naman kay Derrick Monasterio, deserving ito na maging endorser ng isang underwear brand. Sana ay gumana ito para masundan ang kanyang 2018 sexy-drama film with Sanya Lopez na ‘Wild and Free’. Hot na hot ang dalawa roon, pero hindi ‘yata masyadong pumatok sa box-office. Siguro ay panahon na rin for Derrick to do more thought-provoking digital series kung saan no limits ang pagpapaseksi niya na sana rin ay pati ang kanyang acting capabilities ay mas mahasa pa more- like Junior! Hihihi!