Pagbabalik-tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, bonggang-bongga sa ratings!

TUNAY na kinasabikan at inabangan ng mga loyal fans ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera o DongYan ang kanilang pagbabalik-tambalan sa telebisyon via the new weekly Saturday sitcom na ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa‘.

Nag-premiere ang bagong kilig sitcom noong May 14 and as expected, maraming tagahanga ang nag-abang at tumala ito ng 13.5 sa datos ng NUTAM People Ratings at malayo ang agwat nito sa mga katapat na programa.

Pagbabalik-tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, bonggang-bongga sa ratings!
Dingdong Dantes and Marian Rivera in ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’

Maliban sa pagbabalik ito ng DongYan after 10 years (huling regular series nila ang ‘My Beloved’), sabik din ang mga tao sa pampa-good vibes na programa. Isang magandang weekend stress buster ang bagong sitcom na ito sa totoo lang!

Ang Jose and Maria’s Bonggang Villa ay tungkol sa dalawang mag-asawa na binigyan ng pagkakataon na mag-manage ng isang haunted bed and breakfast. Pilot episode pa lang ay marami na ang naaaliw sa chemistry ng mag-asawa pati na rin sa mga cast na kasama rito.

Sa pamamagitan ng kanyang mga social media accounts ay nagpahayag ng pasasalamat si Marian Rivera. Trending at ramdam namin na DongYan is back!

Maliban sa ating royal couple ay pasok din sa programa sina Benjie Paras, Pekto, Shamaine Buencamino, Pinky Amador, Johny Revilla, Hershey Neri, Loujude Gonzalez at ang Sparkling young loveteam nina Jamir Zabarte at Zonia Mejia, na ang balita namin ay handpicked mismo ng mag-asawa among the other Sparkle loveteams presented to them.

Panoorin ang Jose and Maria’s Bonggang Villa every Saturday night! Make it a weekend habit!

Previous articleDennis Trillo, nagbigay-pugay kay Jennylyn Mercado
Next articleAyanna Misola, pinaligaya ng isda sa ‘Putahe’