Pagbabalik sa Wowowee, dedesisyunan na: Willie Revillame, may closed door meeting sa mga Big Boss ng Dos!

ADVERTISING

Pagbabalik sa Wowowee, dedesisyunan na: Willie Revillame, may closed door meeting sa mga Big Boss ng Dos!Pagbabalik sa Wowowee, dedesisyunan na: Willie Revillame, may closed door meeting sa mga Big Boss ng Dos!AS OF PRESS time, nakatakdang mag-set ng closed door meeting ang kontrobersiyal na si Willie Revillame with ABS-CBN big bosses na sina Mr. Gabby Lopez and Ms. Charo Santos-Concio.

Kung saan-saan na nga nagsanga ang isyu sa pagitan ng Wowowee host at sa nakabangga on the air recently na si Jobert Sucaldito. Maging sa kanyang column recently, hindi makapaniwala si Jobert na sa ganito hahantong ang kanilang hidwaan, at aniya’y disappointed siya sa inasal ni Willie.

Sinasabing on vacation leave sa kanyang show si Willie since May 5, at nakatutok ang lahat kung mapaninindigan nito ang statement na kung hindi mawala sa Dos si Jobert ay siya ang magre-resign.

Pero kaya nga naganap ang closed-door meeting na ‘yun ay upang ibulalas na ni Willie ang kanyang sariling mga sama ng loob sa mga pangyayari. Totoo kayang may mga employees mismo ng Kapamilya network ang nais itong mapalayas sa network?

Magdedepende nga sa meeting na ‘yun kung si Willie ba ay babalik sa show niya o hindi. Pero mukhang negative na ang chikang papalitan siya ni Vhong Navarro sa Wowowee since may sariling show si Vhong, ang Showtime, na humahataw sa ratings.

ADVERTISING

MAY CHIKANG KUMALAT sa Twitter na tatapatan daw ng ABS-CBN ang Face To Face ni Amy Perez, isang pambatong “talakserye” show ng revitalized TV5 tuwing 11 A.M. Monday to Friday, na may replay sa midnight kinagabihan.

Mismong ang mader dear namin ay na-hook na sa Face to Face ng Kapatid network dahil nakakaloka nga naman ang daily, different Pinoy problems encountered ng ating mga kababayan – sa barangay level, na pinupuntahan talaga ng show’s production staff upang mag-research.

Ayon sa sitsit, si Gladys Reyes daw ang nakatakdang ipantapat ng Dos kay Amy sa new show na niluluto na umano sa bakuran ng Dos. Naging patok rin kasi ang career ngayon ni Gladys sa ABS-CBN, magmula nang humataw ang Habang May Buhay na ang galing-galing pa rin ni Gladys bilang kontrabida ni Judy Ann Santos, at ‘di matinag-tinag na judge ng Showtime, huh!

Tweet naman ni Amy: “I have so much appreciation to TV5’s Big Boss for giving me all the trust en confidence to host a show like Face to Face!… At the end of the day, its not the ratings or competition dat matters, its how we at F2F was able to help those pipol sa problema nila.”

HUHUSGAHAN NA SI Vice Ganda kung kaya nga ba nitong punuin ang isang pagkalaki-laking venue tulad ng Araneta Coliseum, sa kanyang first major concert entitled May Nag-Text, Ito Ang Totoo… Vice Ganda Sa Araneta, bukas, May 15, 8 P.M.

Ayaw nang palakihin pa ni Vice kung sakaling hindi natuloy ang kaibigang si Chokoleit sa guesting sa show, although nalungkot daw talaga siya. Pareho naming nakilala noon pa sina Vice Ganda and Chokoleit, kahit ‘di pa sila mga sikat noon sa TV.

Pareho silang nag-host ng aking birthday parties on separate years, kaya hangad naming hindi masira ng intriga ang kanilang pagkakaibigan.

Basta sa Araneta show, hindi man solved noon ang manager ni Vice na si Ogie Diaz na kakayanin ng komedyante ang Big Dome, confident ang producers ng show na sina Joed Serrano at Robby Tarroza na dudumugin ang concert ng fans ni Vice, to think na mayroong 1.5 million fans na ang hitad sa Facebook, huh!

Guests sa concert sina Jaya, Pops Fernandez, Pooh, Jhong Hilario, Showtime grand finalists, Jon Avila, etc, directed by GB Sampedro.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING