Pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee, dinumog

ADVERTISING

Pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee, dinumogINABANGAN TALAGA NAMIN ang pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee kahapon. Engrande ang opening at talaga namang todo-todo ang hataw ng mga audience at hosts ng show. Dumating din sa naturang episode ang mga bigating sina Dra. Vicki Belo at anak nitong si Cristalle Belo Henares, may-ari ng Bench na si Ben Chan at marami pang iba.

Kitang-kita na balik ang energy at saya sa studio sa pagbabalik ni Willie. Halos magmukhang mini-concert ang opening ng Wowowee dahil ang daming kantang sinayaw ni Willie. ‘Di naman nagpatigil ang mga fans sa paghatawa at sinabayan ang energy ni Willie. Siksikan at halos wala ka nang maupuan sa loob ng Studio3.

ADVERTISING

Pinasalamatan ni Willie ang lahat ng mga nag-abang at sumuporta sa kanya habang nakabakasyon siya ng halos dalawang buwan. “Sa mga nanay at lola’ng nag-strike noon, maraming salamat. Sana hindi kayo inatake ng mga rayuma n’yo. Ayoko kayong tawaging mga fans. Kayo’y mga kapamilya ko.” pabirong hirit ni Willie.

Wala na raw iwanan gaya ng sabi ni Willie, pero hindi pa rin niya sinasabi o kinukumpirma kung talagang tatakbo siya bilang Vice President ni Manny Villar. Kahit noong sunduin namin siya sa airport nang umuwi siya nu’ng Biyernes nang umaga, ay paiwas din ito sa pagsagot tungkol sa political plans niya. Pero sinabi ni Willie na puwede naman siyang tumulong sa mga kababayan natin kahit hindi tumakbo bilang senador o bise-presidente.

MAAYOS NA AT nakalabas na ng ospital si Martin Nievera matapos siyang isugod sa Makati Medical Center noong Sabado ng gabi pagtapos ng kanilang concert ni Gary Valenciano na As 1 na ginanap sa SM Mall of Asia concert grounds. Exhaustion at dehydration ang naging sanhi ng pagkakasugod kay Martin sa ospital.

ADVERTISING

Napakadaming tao sa loob ng venue at talaga namang successful. Nag-enjoy ang lahat sa kanilang production numbers tulad ng pagkanta ng kanilang mga hit songs, Michael Jackson Medley, Broadway Musicals, isang special duet with Zsa Zsa Padilla and Pops Fernandez na naka-project sa isang malaking LED screen, na animo’y nandoon sila mismo sa naturang venue. Nagperform din ang kani-kanilang mga anak na sina Gab Valenciano at Rob Nievera.

Suportado ng kanilang mga kasamahan sa industriya ang naturang concert. Spotted doon sina Megastar Sharon Cuneta at senator Kiko Pangilinan, Zsa Zsa Padilla at Karylle, Dra. Vicki Belo at ang anak niyang si Cristalle Henares, Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Jericho Rosales, Vina Morales, Toni Gonzaga kasama ang boyfriend na si Direk Paul Soriano, pati ang ilang executives ng ABS-CBN.

Request ng ilang fans na hindi makapanood sa concert na ipalabas ito sa TV. Naku, ‘wag kayong mag-alalala dahil tineyp ang naturang concert at ipalalabas ito soon sa ABS-CBN.

ADVERTISING