Pag-uusap ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, nauwi sa sigawan?

ADVERTISING

Pag-uusap ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, nauwi sa sigawan?

Dennis-Padilla-Julia-BarrettoNAGKAUSAP NA pala ang mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, pagkatapos magpa-interview ni Dennis sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Ang daming naawa kay Dennis sa interbyung ‘yun, at sa totoo lang wala siyang sinabing nakasisira sa anak niya at kahit kay Marjorie.

Inamin pa nga ng komedyante na siya ang may pagkukulang dahil mga tatlong taon na raw siyang hindi nakakapagbigay ng sustento o suporta sa kanyang mga anak.

Nu’ng FAMAS awards night nga, umiiwas si Julia na magpa-interview, at kinabukasan ay umalis na siya papuntang London.

ADVERTISING

Kaya ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan ang nagsalita at nagpaliwanag ng kasong ito.

Ang sabi ni Atty. Kapunan, si Julia raw talaga ang nag-request na ibalik sa Barretto ang apelyido niya dahil ‘yun naman daw talaga ang dati niyang apelyido nu’ng ipinanganak siya.

Hindi pa kasi kasal nu’n sina Marjorie at Dennis nang ipinanganak siya, kaya Barretto ang dala nito.

Pero nu’ng ikinasal ang dalawa, saka na naging legitimate si Julia dahil dinala na nito ang apelyidong Baldivia ni Dennis.

Kaya lang nu’ng 2009 daw, nagkahiwalay sina Dennis at Marjorie at doon daw nalaman na kasal na pala si Dennis sa ibang babae bago siya nagpakasal kay Marjorie.

Parang Ang Dalawang Mrs. Real ang drama niya, ha!

Kaya nag-file daw si Marjorie ng nullity of marriage at kaagad namang na-grant. Kaya gusto na raw ni Julia na ibalik na sa Barretto dahil ‘yun naman daw talaga ang original niyang pangalan.

Kaya lang hindi yata matanggap ‘yun ni Dennis kay nag-submit ito sa korte ng Motion to Intervene.

Sabi ni Atty. Kapunan, huli na raw ang motion na ‘yun ni Dennis dahil set for decision na raw ang petition na ‘yun ni Julia kaya dedesisyunan na lang ng korte.

Tingnan na lang daw kung kaya pang habulin ‘yun ng motion ni Dennis.

Kuwento pa ni Atty. Kapunan, nagkausap daw sila ni Julia bago ito umalis patungong London, at naikuwento raw ng young actress na nagkausap daw sila ni Dennis at parang nasigawan pa raw siya.

Hindi raw maganda ang kanilang pag-uusap.

Nu’ng Lunes din ng hapon ay nag-file ng gag order sina Atty. Kapunan dahil habang nasa korte pa raw ang kasong ito, dapat na wala raw may magsasalita sa kanila.

Sinubukan ng Startalk na kausapin si Dennis pero ayaw na nitong magsalita.

Ang abogado na lang daw niya at ang kapatid niyang si Gene ang magsasalita para sa kanya.

Kung ano man daw ang napag-usapan nilang mag-ama ay para sa  kanila na lang daw ‘yun. Ayaw na raw niya mag-comment.

Kaya lang sa takbo ng mga pangyayari, si Julia ang napasama sa pagsasalita ni Dennis.

Ang daming nagalit sa kanya at pinutakti raw ito ng mga bashers kaya apektado siya.

Hay, naku! Ayusin ni Marjorie ‘yan ‘no! Siyempre, apelyido niya ang dadalhin ni Julia, kaya dapat na magsalita na rin siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING