‘Pag tapos ng commitments sa France Billy Crawford, siguradong may babalikan pa rin sa ‘Pinas

ADVERTISING

‘Pag tapos ng commitments sa France  Billy Crawford, siguradong may babalikan pa rin sa ‘Pinas

‘Pag tapos ng commitments sa France  Billy Crawford, siguradong may babalikan pa rin sa ‘Pinas“IT’S NOT true!” ‘Yan ang sagot sa amin ng isang very re-liable source namin sa ABS-CBN sa isyung mawawala na bilang noontime show ang It’s Showtime at papalitan na ito ng Palibhasa Tanghali nina Joey Marquez, Richard Gomez at John Estrada.

Tuloy pa rin ang ligaya ng It’s Showtime. Ang totoong magpapaalam lang ay si Billy Crawford, dahil may album itong gagawin sa France at for how many months din itong mawawala.

Pero bago umalis ay nag-sign muna ng contract si Billy para me assurance na ‘pag tapos na ang mga commitments nito sa France ay babalik pa siya at siguradong may babalikan pa ang international singer.

At kung hihingin ang aming opinyon? Mas bongga kung dalawa ang live variety show na back-to-back para mas enjoy manood at mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga production people.

ADVERTISING

 

WA EK. Trailer pa lang ay ramdam na ramdam na namin ang pagiging ina ni Pokwang. Naintindihan agad namin na gumanti ang karagatan sa asawa niyang si Tonton Gutierrez nang itapon nito ang granada sa dagat at mamatay ang isang batang sirena.

Kaya nang magkaanak sina Pokwang at Tonton, kinarir ng inang sirena na kunin ang kanilang anak, kaya kitang-kita sa akting ni Pokwang na isang ina na kitang-kita niyang dinudukot ang anak niya.

Alam naming malalim ang hugot dito ni Pokwang, dahil ang panganay niyang anak na lalaki ay namatay dahil sa brain tumor nang hindi man lang niya nakita at napagsilbihan dahil nasa ibang bansa at nagtatrabaho.

Ang hindi lang talaga namin maimadyin ay ano ang nakita sa kanya ni Tonton para maibigan at pakasalan siya hanggang sa sila’y mag-sex na?

Ano ang iniimadyin ni Tonton nu’ng kunwari’y nag-sex sila ni Pokwang para siya’y “utugan’ sa eksena? Hahahaha!

‘Yan ang okrayan namin ni Pokwang sa twitter. Pero seriously, kaabang-abang ang bawat eksena ng bagong primetime fantaseryeng Aryana ng ABS-CBN.

Abangan.

 

TRAILER PA lang, parang “nakakaelya” este nakakaengganyo nang panoorin ang Every Buhrath… este, Every Breath You Take ng Star Cinema.

Parang ang dami-daming “pahiwatig ng kaelyahan” scenes dito sina Piolo Pascual at Angelica Pa-nganiban.

Nakapasa kaya ‘yung trailer na ‘yon sa MTRCB? Kasi, parang ang batang manonood ng trailer nito ay kailangang me kasama pa ring magulang para maipaliwanag sa bata kumbakit me “kalandian” sa eksena.

Parang babaeng naghahabol sa lalaki ang tema.

Pero siyempre, hindi pa naman natin napapanood ang movie. Saka lang natin malalaman kung saan nanggagaling ang kakirihan nitong si Angelica ‘pag napanood na natin ang Every Breath You Take.

At in fairness, yummy na yummy ang dating ni Papapi, huh!

I’m sure, kahit sina Mareng Roxy Liquigan at Mico Del Rosario na siyang namamahala ng promo ng pelikula ay “naeelya” rin sa kakisigan ni Papapi.

‘Eto nga ang ebidensiya, o! Tumitigas ang utong ko right now!

Hahahaha!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING