‘Pag ‘Puti’game na game AI-AI DELAS ALAS, DEDMA SA MGA PINOY SA IBANG BANSA?!

ADVERTISING

‘Pag ‘Puti’game na game AI-AI DELAS ALAS, DEDMA SA MGA  PINOY SA IBANG BANSA?! OLACHIKKA! NOW na! Thank God it’s Friday! At nakakawindang ang mga chikka ko ngayon!

Ito raw kasing napakaga-ling na komedyanteng ito na itago na lang sa pangalang Ai-Ai delas Alas, e nagkaroon ng isang show sa ibang bansa. At sabi ng aming reliable source namin doon, ‘pag mga ‘Puti’ raw ang nagpapa-picture sa komedyana, e talagang ine-entertain niya to the max. Bi-gay na bigay raw ang hitad sa posing. Pero ‘pag mga Pinoy na raw ang magpapalitrato kay Ai-Ai, dedma na ang lolah n’yo! Attitude ba ‘yon?! Nakakaloka!

May ganoong ugali ba talaga si Ai-Ai? Hinahangaan at nirerespeto pa naman siya. ‘di ba?

Dahil sa inasal ng komedyana, marami raw kababayan natin ang nainis sa kanya. Ang nakakalurkey, ‘yung tubig na nasa baso na iniinom daw ni Ai-Ai, e sinawsawan ng notes ng mga kalalakihang na-bad trip sa kanya?! Aaayyy, ano ba ‘yan?!

Isinulat ko ito para naman makarating sa aming kaibigan na hindi dapat ganoon ang pagtrato natin sa kapwa natin Pinoy. Kahit sinong artista, dapat ay parehas ang tingin sa ating mga kababayan. Matuto tayong magpakumbaba, ‘di ba? Kung hindi, hayan na ang karma!

ADVERTISING

Kahit dito mismo sa atin, puwedeng gawin ang ‘ganti’ na ‘yon ng fans kapag hindi sila pinakitaan ng maganda, ‘di ba?

Naku, alam kaya ito ni Ai-Ai? Ano sa tingin n’yo?

NAWINDANG AKO SA post ng kaibigan kong si Ogie Cruz sa Facebook, huh! Bakit daw pati itong kolum ko, e pinapakialaman nitong si Cristy Fermin? Hindi ako nanonood ng Juicy, kaya hindi ko napapanood ang mga pinagsasabi nitong si Cristy.

Hoy, Cristy! Hindi ako nag-iimbento ng kung anu-ano sa kolum ko, ‘no! Marami ang nagtitiwala sa akin. At hindi pa ako nagkakaroon ng kahit anong kaso! Kahit magparamihan pa tayo ng nagtitiwala sa ating dalawa at kung sino ang mas credible talaga.

Isa ka pa DJ Mo! Hindi gawain ng isang tunay na lalaki ang ginagawa mo. Mas bakla ka pa sa akin! Hahaha!

BLIND ITEM: SINECH ang male si-nger-dancer na ito na naiisyu rin ngayon sa kapwa niya singer, na kaya raw madalas na naka-sumbrero ngayon ay dahil napapanot na ito?! Hahaha! Kung sino man siya, alamin n’yo na lang sa aking programa, kasama si Lady Camille sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali. At siyempre, subaybayan pa rin ang aking programa sa DZRH 666khz, every Sunday 2:30-3:30 ng hapon.

‘Pag ‘Puti’game na game AI-AI DELAS ALAS, DEDMA SA MGA  PINOY SA IBANG BANSA?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING