‘Pag nag-appear sila in public together
Heart Evangelista, P100K ang bayad ni Chiz Escudero?!

ADVERTISING

<i>‘Pag nag-appear sila in public together</i><br>Heart Evangelista, P100K ang bayad ni Chiz Escudero?!<i>‘Pag nag-appear sila in public together</i><br>Heart Evangelista, P100K ang bayad ni Chiz Escudero?!LOVE FOR sale. ‘Yan daw ang namamagitan between Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero.

Amused na amused kami when a friend told us that naggagamitan lang sina Senator Chiz and Heart, that their love affair is just a big GIMMICK.

Sabi pa ng new-found friend namin, the relationship was meant to bolster the senator’s bid for higher office.

We were amazed when we were told na binabayaran daw ni Senator Chiz si Heart ng P100,000 when they appear together in public.

Aside from that, Heart also gets to receive Hermes bag from time to time.

ADVERTISING

How ridiculous, ‘no? Parang ang hirap paniwalaan nitong chismis na ito.

Anyway, Heart feels blessed na nasa tabi niya si Senator Chiz during those times na galit sa kanila ang parents ng dalaga.

Sabi ni Heart sa taped interview, hindi siya iniwan ng kanyang boyfriend at hindi siya kailanman itinu-ring nitong pabigat.

 

<i>‘Pag nag-appear sila in public together</i><br>Heart Evangelista, P100K ang bayad ni Chiz Escudero?!WALANG TAKOT na kinanta ni Anne Curtis ang song ni Regine Velasquez na Kailangan Ko’y Ikaw sa ASAP.

Magtatapos na kasi ang soap nila nina Robin Padilla and Kris Aquino kaya parang promo na rin ‘yon.

As we watch her, napangiwi na lang kami sa disappointment. BINABOY ni Anne ang kanta. Parang wala siyang tumamang tono.

When Anne’s maiden album became a big hit and when she mounted a successful solo concert at the Araneta Coliseum ay mas tumindi ang ilusyon ni Anne na singer na siya.

When she performed Kailangan Ko’y Ikaw ay sukdulan na ang kanyang pagka-ilusyonada. Wala na sa tono ay sumige pa rin ang hitad. It was as if she was giving her audience a great performance. Actually, it’s great nga, GREAT DISASTER for she really ruined the beautiful song penned by Ogie Alcasid.

 

WATCHED ON Youtube the audition performance of eleven year old Pinay named Arisxandra Libantino.

Arisxandra sang Jennifer Hudson’s version of One Night Only sa Britain’s Got Talent and she had the four judges and the audience in great awe with her performance.

Considering that she’s still young, Arisxandra displayed a unique vocal dexterity. Not surprisingly, binigyan siya ng standing ovation ng judges, with Simon Cowell even giving her two thumbs up sign.

Ang galing talaga ng batang ito and we’re certain na malayo ang mararating ng young aspiring singer na ito.

Maybe, Anne Curtis should watch her on Youtube to learn the difference between a SINGER and an ILUSYONADANG MANG-AAWIT.

 

BLIND ITEM: This beauty queen is really ILUSYONADA and INSECURE.

When she was still being managed by a popular talent manager ay grabe pala ang insecurity nito sa kapwa niya beauty queens na kasabayan niya.

She was asking daw kung bakit wala siyang assignments while her fellow beauty titlists were doing projects left and right. Talagang palagi niyang kinukulit ang kanyang manager kung bakit tila napag-iiwanan siya project-wise.

What she probably didn’t realize is that hindi naman siya celebrity material. Actually, pang-model lang ang beauty niya, ‘no.

Ang mga beauty queens na kinain-in-secure-an niya ay magaganda, ‘no, at talagang puwedeng mag-artista. Eh, siya, matangkad lang naman siya at hindi naman talaga kagandahan. Hindi artistahin ang beauty niya, ‘no, kaya magtigil siya sa ilusyon niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING