‘Pag may free time
KC Concepcion, mas gustong matulog kaysa makipag-date!

ADVERTISING

<b>‘Pag may free time</b><br> KC Concepcion, mas gustong matulog kaysa makipag-date!

<b>‘Pag may free time</b><br> KC Concepcion, mas gustong matulog kaysa makipag-date!

IT SEEMS that KC Concepcion has finally found someone who makes her smile. Saksi ang The Buzz nang aminin ni KC in the recent story conference of her new ABS-CBN series Against All Odds na totoong may bagong taong nagpapakilig sa kanya ngayon. “Meron pero sabi nga noong iba, ‘pinapahirapan mo naman masyado’ and I’m not talking about anyone na kilala ninyo or anything like that. [He’s] non-showbiz.”

I still remember when I last interviewed KC on The Buzz. Tinanong ko siya noon kung ano ang kanyang wish. “Na makahanap talaga ako ng true love!” sagot niya sabay tawa. I’m happy for KC dahil mukhang unti-unti nang natutupad ang kanyang wish.

Pero sa kabila ng kilig ay hindi pa rin daw handa si KC na pumasok sa isang bagong relasyon. “I’m happy. Masarap pala na kinikilig kasi I’m excited to fall in love again pero huwag muna ngayon. Huwag muna kasi iyong free time ko ipapahinga ko na lang. Itutulog ko na lang. So unfair din kung magkarelasyon ako ngayon.”

ADVERTISING

Looks like we will be seeing more of KC this year because aside from ASAP and her new series, she will also host The X-Factor Philippines which is the local franchise of the British television talent show The X-Factor.

Ayon kay KC, ang kanyang trabaho ang nagsisilbing love life niya ngayon lalo pa’t tuluy-tuloy ang elimination sa The X-Factor Philippines na magsisimula na sa June 23. 172 people were qualified out of the 20,000 who joined the reality talent search. They will still eliminate hanggang sa 20 contestants na lang ang makakapasok.

Excited na ang publiko sa muling pagba-balik-teleserye ni KC. In Against All Odds, KC will be pitting acting talents with Judy Ann Santos and Sam Milby. “Parang ‘di naman ako makapaniwala na nangyayari na ito because it’s been three and half years since my last teleserye. Siyempre gusto ko naman kung magte-teleserye ako ulit, since hindi naman ako yearly na gumagawa ng teleserye, it’s gonna be nice and different.”

Also part of the powerhouse cast of Against All Odds are John Estrada, Mylene Dizon, Jessy Mendiola, Joseph Marco, Bryan Termulo, Susan Africa, Tirso Cruz III and Ms. Coney Reyes.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING