Pag-iisang Dibdib ng mga Bituin

ADVERTISING

Marian Rivera & Dingdong Dantes

Bago natapos ang taong 2014, nag-iwan ng pabolosong alaala ang kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ikinasal ang power couple sa Immaculate Concepcion Church sa Cubao Quezon City noong Disyembre 30, 2014 kung saan ang Obispo ng Diocese of Cubao na si Rev. Honesto Ongtioco ang main celebrant. Si Bishop Teodoro Bacani naman ang nag-homily at ilan pang Obispo ng iba pang diocese ang dumalo. Principal sponsor si Pangulong Noynoy Aquino, Kris Aquino, Vic Sotto, Governor Vilma Santos-Recto, Ogie Alcasid at asawang Regine Velasquez, Senator Bam Aquino, Lolit Solis at German Moreno. Mahigpit ang seguridad sa paligid ng simbahan dahil kay PNoy.

Heart Evangelista & Sen. Chiz Escudero

Pebrero 15, 2015 ikinasal sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Balesin Island sa Quezon Province. Best man ni Senator Chiz si President Noynoy Aquino, pero hindi ito nakarating sa naturang okasyon. Who’s who naman ang mga principal sponsors na kinabibilangan nina Ramon Ang ng San Miguel Corporation, Fernando Zobel de Ayala, Lance Gokongwei ng Robinsons/Cebu Pacific, Hans Sy ng SM, Andrew Tan ng Megaworld, Roberto Ongpin na may-ari ng Balesin Island Club, Faustino Dy Jr. gobernador ng Isabela si Rep. Gilberto Duavit. Siyempre pa, present ang best friend ni Chiz na si Senator Grace Poe.

Toni Gonzaga & Paul Soriano

Ginanap ang kasalan nina Toni Gonzaga at Paul Soriano noong Hunyo 12 sa Taytay Methodist Church sa Taytay, Rizal. Vera Wang gown ang suot ni Toni samantalang Hugo Boss naman ang suot ni Paul. Naroon siyempre ang kapatid na si Alex Gonzaga kasama ang kanilang mga magulang at kapatid. Present din ang pamilya ni Paul na sina Jeric Soriano, misis nito ang mga kapatid na puro lalaki. Principal sponsors sina Manila Mayor Joseph Estrada, Saranggani Representative Manny Pacquiao, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Dr. Vicki Belo, at TV host-actress Kris Aquino. Walong taon ding magkasintahan sina Toni at Paul bago nagdesisyong mag-isang dibdib.
Ginanap ang kasalan nina Toni Gonzaga at Paul Soriano noong Hunyo 12 sa Taytay Methodist Church sa Taytay, Rizal.
Vera Wang gown ang suot ni Toni samantalang Hugo Boss naman ang suot ni Paul. Naroon siyempre ang kapatid na si Alex Gonzaga kasama ang kanilang mga magulang at kapatid. Present din ang pamilya ni Paul na sina Jeric Soriano, misis nito ang mga kapatid na puro lalaki. Principal sponsors sina Manila Mayor Joseph Estrada, Saranggani Representative Manny Pacquiao, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Dr. Vicki Belo, at TV host-actress Kris Aquino. Walong taon ding magkasintahan sina Toni at Paul bago nagdesisyong mag-isang dibdib.

Isabel Oli & John Pratts

Dalawang beses nagpakasal sina John Pratts at Isabel Oli noong ika-16 ng Mayo sa Batangas. Ang unang seremonya ay naganap sa Nuestra Señora dela Soledad parish sa Tanauan, Batangas at pagkatapos ng ilang oras ay isang garden wedding naman ang idinaos sa Nayomi Sanctuary Resort sa Balete, Batangas. Pag-aari ng mga Prats ang naturang resort. Natural lamang na dumalo ang best friend ni John na si Angelica Panganiban. Ayon kay Angelica, tanging si Isabel lamang ang hindi sya pinagselosan dahil sa pagkakaibigan ng dalawa. Teenager pa lamang umano si Isabel sa Cebu crush na crush na nito si John. Tawag umano ni John sa kanyang mga dating girlfriend ay “hon” o “honey” samantalang si Isabel ay “wifey” na ang tawag nya noon pa. Bestman si Sam Milby at dumalo din sina Chynna Ortaleza, Camille Prats, Sherilyn Reyesk, at marami pang malalaking artista.

Nikki Gil & BJ Albert

Sa isang non-showbiz personality nagpakasal si Nikki Gil matapos ang masalimuot na relasyon nito kay Billy Crawford. Ikinasal si Nikki kay BJ Albert sa Sta. Elena Country Club sa Laguna noong Nobyembre 21. Larawan ng kasiyahan si Nikki sa araw ng kanyang kasal, pero emosyunal din ito. Matron of honor si Iya Villania na nagpakasal din noong isang taon sa long time boyfriend nitong si Drew Arellano. Batchmates sa Ateneo sina Nikki at BJ pero hindi gaanong magkakilala noon. Nito lamang 2013 sila naging malapit sa isa’t isa.

Ni Jo Capareda

ADVERTISING