Paano ba nagsimula ang love story nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?

Leo Bukas

IBINAHAGI ng showbiz couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa kanilang fans and supporters kung paano nag-start ang kanilang relasyon. Ginawa nila ito sa isang vlog na in-upload naman ng Star Magic.

Ayon sa dalawa, nagsimula sila bilang magkaibigan bago nila inamin sa publiko  na they are officially a couple na ikinagulat ng mga netizens.

Paano ba nagsimula ang love story nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?
Diego Loyzaga and Barbie Imperial

Ikinuwento nina Diego sa naturang vlog kung paanong napunta sa next level ang kanilang friendship. Kuwento naman ni Barbie, 2018 nang makilala niya si Diego hanggang sa maging malalim ang kanilang pagkakaibigan.

“That time wala kaming something. Friends lang talaga, pero crush ko siya nu’n,” pagtatapat ni Barbie sa tunay na nararamdaman niya noon kay Diego.

Reaksyon naman ni Diego, “Ako yung kumukulit noon kay Barbie. Ako yung nagme-message sa kanya. Then na-realize naming dalawa na na-friendzone kami sa isa’t isa.”

Dagdag pa ni Barbie, dumating daw sa punto na naging friends na lang silang dalawa dahil nawalan sila ng communication ni Diego. Yon din yung panahon  nung pansamantala nawala sa showbiz si Diego dahil sa ilang personal problems.

Pero dahil may maganda silang nasimulan bilang friends ay hindi naman nawala ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Hanggang dumating ang time na nagplano sina Diego at Barbie, kasama ang ilang mga kaibigan, na magbakasyon sa isang beach resort sa Pangasinan.

“Pinilit niya ako,” pabirong sabi ni Diego na sinagot naman ni Barbie ng “Pinilit ko siya, as a friend. Walang malisya.”

“Pero nagpaalam si Bie (tawag ni Diego kay Barbie) sa mommy ko. Du’n ko nakita na sincere siyang kaibigan, kasi ipinagpaalam ako sa nanay ko,” hirit ni Diego na nakangiti.

Paano ba nagsimula ang love story nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?
Barbie Imperial and Diego Loyzaga

Kuwento ulit ni Barbie, sa naturang short vacation nila sa Pangasinan ay nabigyan daw sila ng pagkakataon para mas makilala pa ang isa’t isa. Memorable din daw ang naging heart to heart talk nila sa tabing dagat.

Ani Barbie, “Hindi ko alam, bigla na lang, parang sobra na yung pake ko para sa kanya. Kahit magkaibigan pala kami, hindi pala namin alam lahat sa isa’t isa.”

Nasundan pang muli ang out of town nina Barbie at Diego hanggang mapagdesisyunan nilang dalawa  na i-level up ang kanilang friendship.

“Tatanungin mo ba ako kung magiging tayo? Tapos sabi niya lang, ‘Ano, tayo na?’ Sabi ko, ‘Oo,’” masayang kuwento ni Barbie kung paano niya sinagot si Diego.