PA-WITTY GONE WRONG: Derrick Monasterio, binabatikos sa AIDS joke

ADVERTISING
PA-WITTY GONE WRONG: Derrick Monasterio, binabatikos sa AIDS joke
Derrick Monasterio

NAKAKAWINDANG ang Instagram story update ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio

Kung recently ay may mga aktor na accidentally ay napopost nila online ang kanilang hubad na larawan, isang insensitive joke naman ang ishinare ng binata.

Narito ang transcript ng kanyang iskandalosong IG story:

“Here’s a witty joke

I have a friend who’s miserable because he found out that he has AIDS.

ADVERTISING

My advice: Stay positive!

Hindi ito nagustuhan ng kanyang followers at agad itong iniscreencap ng mga netizen na nanggagalaiti sa galit.

“Goodbye career! Ni wala pang napapatunayan sa showbiz!”

“Insensitive much!”

“Pa-witty pa more! Hindi lahat ng nababasa online dapat i-share!”

“The Logan Paul of the Philippines!”

Siguro ay nasita ng concerned citizens, agad na nagpost ng apology ang aktor.

“Hi guys! Just saw that joke on Twitter and I didn’t think its gonna be an issue. But sorry if I offended some of you in a way :( “

Kamakailan ay may ilang millennial stars na nakakadismaya ang inaasal. From being unprofessional to being patola and to being insensitive, nakakawalang gana silang suportahan. Sana ay magsilbi itong leksyon sa aktor lalo pa’t hindi pa ito masyadong sumisikat.

Dahil sa “pa-witty joke gone wrong” na ito, makakaapekto kaya ang insidenteng ito sa upcoming movie nila ni Barbie Forteza na kinunan pa sa Italy? 

ADVERTISING