Pa-wholesome na aktor, ubod ng yabang at sobrang user sa dyowang aktres

PITIK-BULAG! SINO SIYA? Sino naman kaya itong aktor na ito na akala ko, ‘te ay sobrang bait at sobrang wholesome effect? Dyowa niya pala talaga itong actress na ito na sikat na sikat din ‘te at may teleserye ngayon sa Kapamilya.

Ang chikka nga rito, ubod daw ng kayabangan pala itong lalaki na ito at mukhang ginagamit lang niya ang dyowa niya, at pabili nang pabili ng kung anek-anek nu’ng nag-tour sila sa states. Naku, ‘te huh!

Ayaw ng mga Kapamilya ng ganyan… ginawa mo namang mamasan ‘yang jowa mo eh, bagets pa ‘yan… ‘yun na!

(By Tita Swarding)