‘Pa-bukol’ ni Gerald Anderson sa ‘Init sa Magdamag’ ipinasilip na

NAPAKA-INIT naman talaga ng panahon! Maliban sa init na ating nararamdaman dahil opisyal na summer season na, mainit din ang ulo ng mga Pinoy dahil na rin sa muling pag-implement ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa NCR plus. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ng mga bagay na kahit na pawang kababawan ay mapapangiti tayo.

Last week ay nilabas na ang naglalagablab na trailer ng upcoming sexy drama series ng Kapamilya na ‘Init sa Magdamag‘. Ito ay pinabibidahan nina Gerald Anderson, JM de Guzman at Yam Concepcion na sa wakas ay bida na rin sa isang serye.

'Pa-bukol' ni Gerald Anderson sa 'Init sa Magdamag' ipinasilip na
Gerald Anderson and Yam Concepcion

Bilang patikim sa mga tao ay nagkaroon ng scene drop ang programa. A few days ago ay inilabas ang eksena kung saan magkasama sa iisang kuwarto ang mga karakter nina Gerald at Yam. Sila ay nagsama dahil wala silang choice. Mas tipid at praktikal ang ganitong set-up sa mga struggling students na kanilang ginagampanan.

Sa eksena kung saan medyo aso’t pusa pa ang banatan nila ay biglang nakatopless si Gerald. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng awkwardness kung isang lalaking brusko ang nakatopless sa loob ng kuwarto mo, ‘diba? Idagdag pa na bigla rin ito nagtanggal ng pantalon. Yes, ang kanyang puting boxer briefs ang natira. Yes. YES!

In fairness, may clamor pa rin ang hotness ni Gerald Anderson, huh! Ibang-iba rin ang aura niya sa Init sa Magdamag. May dating pa rin ang controversial actor na ito!

Sa April 19 na natin masisilayan ng buo ang ‘Init sa Magdamag’. Sa ngayon ay makuntento na lang raw muna tayo sa pa-briefs at pabukol ni GA. Ano kaya ang masesay ni Julia B. rito? Teehee.