P-Pop Boy Groups on Tour sa Starmall Edsa-Shaw, matagumpay na naidaos

ADVERTISING

P-Pop Boy Groups on Tour sa Starmall Edsa-Shaw, matagumpay na naidaos

P-Pop Boy Groups On Tour
P-Pop Boy Groups On Tour

Naging matagumpay ang katatapos na “P-Pop Boy Groups On Tour 2” na ginanap sa Starmall Edsa-Shaw last June 11, hatid ng UniSilver Time,Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, Aura Soap, Starmall Edsa-Shaw, at New Placenta.
Katulad ng inaasahan, dumagsa ang ‘di mabilang na dami ng tao na gustong makita ang performance ng mga P-Pop boy groups sa bansa sa pangunguna ng GMA Records recording artist na Detour, Laguna’s Pride Voyztrack, X3M, Generation 6, Arsenal, Maximum Movers, 6IX Degrees, at sina Internet Sensation Chesther Chua, TV5’s main cast ng ParangNormalActivity at commercial model Shaun Salvador, at former Upgrade and G2B Boys member/ commercial model/ actor Ron Mclean, hosted by Janna Chu Chu.
Sinuklian nga ng tilian at palakpakan ang lahat ng performance ng mga kasama sa “P-Pop Boy Groups On Tour” at mas naging happy ang lahat ng nanood dahil bukod sa games and prizes, may raffle draw pa, kung saan ang mga nanalo ay nakapag-uwi ng diamond earrings, UniSilver Time watches, 1k GC and products mula sa Ysa Skin and Body Experts, New Placenta, Aficionado Germany Perfume, at Aura Soap.
After nga ng Starmall Edsa-Shaw, nakatakda na namang mag-perform ang buong grupo ng P-Pop Boy Groups On Tour sa Starmall Prima sa Taguig City sa July 23.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING