P-Pop Boy Groups on Tour gaganapin ngayong araw sa Starmall Edsa

ADVERTISING

P-Pop Boy Groups on Tour gaganapin ngayong araw sa Starmall Edsa

P-Pop Boy Groups On Tour
P-Pop Boy Groups On Tour

Dahil naging matagumpay ang first leg ng “P-Pop Boy Groups On Tour last May 28 na ginanap sa Starmall Las Piñas, may kasunod na kaagad ito na magaganap ngayong June 11, 4 p.m. sa Starmall Edsa-Shaw.

Magpapakita ng kani-kanilang galing sa paghataw sa dance floor at biritan sa pag-awit ang ilan sa most promising at hottest dance group at boy group sa bansa na pangungunahan ng Detour, 6IX Degrees, Arsenal, X3M, Generation 6, Maximum Movers, Voyztrack. Kasama rin sina Ron Mclean, Chesther Chua, at ang main cast ng TV5’s “ParangNormalActivity” na si Shaun Salvador.

Ang “P-Pop Boy Groups on Tour” ay hatid ng Starmall Edsa-Shaw, Ysa Skin and Body Experts, New Placenta, Aura Soap, UniSilver Time, at Aficionado Germany Perfume.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING