Ozu Ong ng Masculados, buhos ang pakikiramay sa pamilyang naiwan

ADVERTISING

Ozu Ong ng Masculados, buhos ang pakikiramay sa pamilyang naiwan

Ozu-OngPINAG-UUSAPAN ITONG pagpaslang sa miyembro ng Masculados Dos na si Ozu Ong. Siyempre nalungkot ako para kay Direk Maryo J. delos Reyes dahil alaga niya ‘yun.

Buhos ang pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Ozu, at pati na rin kay Direk Maryo. Kaya nagpapasalamat silang lahat. Pero siyempre, iisa lang ang idinarasal nila na mabigyan ng hustisya itong pagkamatay ni Ozu.

Gusto lang iparating ni Direk Maryo sa lahat na mga kaibigan nila sa showbiz na kung sino ang gustong makiramay ay kung puwede sa Huwebes ng gabi na raw sila pumunta. May pamisa sina Direk Maryo kasama ang kanyang Productions 56 ng ala-sais ng gabi, na dadaluhan nilang lahat.

Napakabata pa pala nitong si Ozu! Sa edad na 29 ay may apat na maliit na anak siya. May kambal siya sa unang nakarelasyon niya, at dito sa huli niyang nakarelasyon na dating miyembro ng Baywalk Bodies na si Vassy ay may dalawa siyang anak. Two months pa lang daw ang bunso niya. Nakakaawa naman, ‘di ba?

ADVERTISING

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Ozu at kay Direk Maryo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING