Oyo Sotto and Kristine Hermosa are expecting another baby boy!

OYO Sotto and Kristine Hermosa are having another baby boy!

Ito ang rebelasyon ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram kahapon, March 23 na kinagiliwan ng kanilang mga well-wishers.

Inamin ng dalawa na ipinadarasal nila na magkaroon ng baby girl, pero tanggap nila kahit na anuman ang gender ng kanilang bagong blessing.

Oyo Sotto and Kristine Hermosa are expecting another baby boy!
Oyo Sotto and Kristine Hermosa-Sotto

Oyo wrote: “It’s boy! Again! Thank you, Lord!”

“We were really praying for a girl pero ito ang binigay ng Panginoon.

“Babae man o lalaki, we are more than grateful to God. He knows and controls everything.”

Sa ngayon ay may apat na anak na ang mga Sotto: The couple has already four children: adopted son Kristian Daniel, daughter Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, at Marvic Valentin II.

Nagbiro pa si Oyo na baka hindi pa ito ang huling pagbubuntis ng kanyang magandang misis na si Kristine.

“So paano na, Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito???”

Sa Instagram account naman ni pretty preggy Kristine ay hinikayat nito ang anak na si Ondrea Bliss o Dre na ipagpatuloy lang ang pagdadasal na magkaroon siya ng baby sister.
“Alway grateful for every blessing, for a healthy and normal baby boy.”

“Hindi pa man nasasagot ang baby girl na dasal ni Dre, madami pa din nasagot si God sa mga dasal namin at kahit pa ‘yung mga bagay na hindi namin ipinagdasal.

“He always has His reasons and His perfect time. Napakabuti mo, Lord.

“So Dre, continue praying and believing that one day God will answer your prayer…pero kung hindi man mapagbigyan, I’m sure God will give you all that you need to embrace being the only baby girl in the family.”

Magandang 10th wedding anniversary din ito para kina Oyo at Kristine. Stay in love and keep making beautiful babies! He-he-he!