Oyo Boy, pinigilan ba si Kristine Hermosa na ituloy ang showbiz career?

PINATIGIL NGA ba ni Oyo Boy Sotto ang asawang si Kristine Hermosa sa paggawa ng showbiz projects?

Ito ang isa sa mga tanong na hanggang ngayon ay bumabagabag sa mga fans ni Kristine Hermosa. Matatandaan na isa sa top teleserye queens ng bansa noon ang magandang aktres nang ito’y magpakasal kay Oyo at nagdesisyong mag-lielow sa pagtanggap ng regular TV projects.

Oyo Boy, pinigilan ba si Kristine Hermosa na ituloy ang showbiz career?
Oyo Boy Sotto and Kristine Hermosa

Sa pamamagitan ng Toni Talks ni Toni Gonzaga ay binigyang-linaw ni Oyo ang mga agam-agam.

“I don’t want to take the credit. Si God talaga. Kasi nakita ko din na talagang she was really praying na ‘Sige Lord, talagang magsa-submit ako sa husband ko. Kung ganyan ang kailangan kong gawin, lie low muna, huwag muna ako mag-work, siya muna, sige.’”

Ayon mismo sa mag-asawa, gusto naman daw nila na magpatuloy sa paggawa ng showbiz projects noon, pero hindi niya nakikita ang tamang materyal para sa kanya.

“May time naman na pinupuntahan naman namin. Pakikinggan namin sila. Sabi ko nga kay Tin, ‘Baka mamaya kakasama ko iisipin na naman nila na ako na naman ang may ayaw.’ Sabi ko okay lang hayaan na kung anong gusto nilang isipin,”

“Ito kasi gustong kasama ako para din daw marinig ko. Ako naman, lagi ko naman sinasabi sa kanya, ‘Okay ako mag-work ka kung gusto mo. Pero gusto mo ba ‘yung gagawin mo?’” dagdag pa ng aktor.

Sumikat ng husto si Kristine Hermosa nang magtambal sila ng ex-boyfriend na si Jericho Rosales sa Pangako Sa’yo noong 2000. Sa sobrang lakas ng ‘EchoTin’ tandem noon ay nagbida sila sa box-office hit films tulad ng ‘Forevermore’, ‘Ngayong Nandito Ka’ at ‘Trip’. Nagbida rin sila sa mga teleseryeng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ at ‘Dahil May Isang Ikaw’.

Sa totoo lang, maganda na si Kristine, pero mas blooming siya sa kanyang papel bilang isang ina sa kanyang limang anak kay Oyo. Ang importante ay mas natututukan ni Kristine ang tunay na pinakamamahal niya sa mundo – ang kanyang pamilya.

Previous articleThings You Didn’t Know About Herlene ‘Hipon Girl’ Budol
Next articleBarbie Imperial at Diego Loyzaga kumpirmadong hiwalay na