OVER PROTECTIVE ANG manager na ito sa kanyang alagang bagets.

ADVERTISING

OVER PROTECTIVE ANG manager na ito sa kanyang alagang bagets. Ang unang balita, tumawag daw ang manager sa production ng isang teen-oriented TV show para palayuin ang kanyang alaga sa anak ng isang artista.

Ang pangalawang version naman ay tumawag daw kasi ang madir ng isang teen star sa production para sabihang pigilan ang young actor na manligaw sa anak niya.

ADVERTISING

But it turned out na it’s  the other way around. Ang manager pala talaga ang tumawag sa production para malaman kung totoong nanliligaw ang kanyang alaga sa young actress na anak ng isang celebrity.

Para hindi na lumaki ang gulo, ang madir na lang ng teen star ang tumawag sa production para palayuin ang alaga ng manager sa kanyang anak.

Kaloka ang manager na ito. Gusto niyang sa kanya lang ang kanyang bagets na alaga. Ayaw na ayaw niyang maagawan! Ano ‘yon, habambuhay ang kanilang relasyon?

ADVERTISING

Kung sa bagay, bongga naman talagang mag-alaga ang manager. Pabahay na niya ang kanyang alaga ay pakotse pa.

(Alex Brosas)

ADVERTISING