Osang on Ate Guy: “Para akong nagtaray sa santo!”

ADVERTISING

Osang on Ate Guy: “Para akong nagtaray sa santo!”

Osang on Ate Guy: “Para akong nagtaray sa santo!”NITONG NAKARAANG MIYERKULES, napadalaw kami sa taping ng Sa Ngalan ng Ina sa may New Manila, Quezon City. Malalaking eksena ang kinunan nang naturang primetime series ng Singko, at sa isang eksena nga, nasaksihan namin ang pagluha ni Rosanna Roces dahil may natuklasan siyang lihim sa kanyang asawang si Christopher de Leon. Mapapanood ang naturang revelation sa week 5 ng show sa susunod na linggo.

After ng take, nilapitan kami ni Osang at happy siyang nagkuwento na natutuwa siya sa magagandang reviews na kanyang natanggap bilang bida-kontrabida ng show. Bungad pa niya sa amin, “Alam mo friend, natutuwa ako dahil maraming magagandang reviews. Tapos ‘yung mga fans ni Ate Guy, natutuwa rin sila sa akin dahil sa magagandang eksena namin ng kanilang idolo. May isa ngang fan na lumapit, sabi niya, ‘I Love Hating You,’ nakakataba ng puso na napapansin nila ang aking acting.”

Itinanong naming sa kanya kung komportable na ba siyang kaeksena ang kanyang idolo. Pag-amin niya, “Medyo ok na, kasi nagkukulitan na kami ni Ate Guy. Nagkukuwentuhan na kami ng tungkol sa mga buhay-buhay namin. Alam mo ‘yun, parang ang tagal na naming nagkakakila. Pero tuwing eksena namin na tinatarayan ko siya, para akong nagtaray sa santo. Kasi ‘di ba, mata pa lang niya nakaka-intimidate na talaga. Pero sinisikap kong makasabay sa kanyang acting, na hindi nananapaw ha, para naman walang masabi ang production sa kanilang muling pagtitiwala sa akin.”

Dagdag pa niya, “Ito pala ang gusto ko. Matagal na akong nagha-hanap ng mga gusto ko sa aking career, pero nahanap ko na sa ngayon. Kaya sana tuluy-tuloy na ito.”

ADVERTISING

Good luck, Osang at wish naman ng aming kasama-hang si Neil Visquera na sana nga magka-award si Osang sa awards season next year.

 

DUMALO KAMI NOONG Lunes sa birthday cum 25th anniversary concert ni Vina Morales sa Republiq, sa may Resorts World. Napakaganda ng mga production numbers ni Vina sa pamumuno ng kanyang director-choreographer na Georcelle Dapat ng G-Force.

Total performer talaga si Vina at wala pa ring kupas ang kanyang stage presence dahil talagang mapapaindak ka sa bawat kanta at sayaw na kanyang pini-perform. Umapaw rin ng mga naglalakihang guests ang kanyang silver party kasama na sina Pops Fernandez, Erik Santos, Sam Milby, Derek Ramsay, Ciara Sotto, at Shaina Magdayao.

Nang kinulit namin si Vina kung open na ba ulit siyang ma-in love, atubili man, pero ayon sa kanya, “Sige na nga,” sabay tawa.

Mapapanood sa Paparazzi Showbiz Exposed, 1:30 PM, sa TV5 ang backstory ni Vina, kung paano nga ba siya nagsimula at nagtagumpay sa showbiz.

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Nakakaloka ang aming nasaksihan sa isang event, dahil sa hindi namin inaasahang mapanood: ang isang singer na matagal nang pinagdudahang badikla ay parang naghubad na ng kanyang kapa.

May harot kasi ang mga tugtog sa nasabing club na puwede kang gumiling kung isa ka talagang party people kaya siguro nagawang mag-spaghetti, pataas-pababa itong singer nang aming masaksihan.

Ang da height pa, nasa ledge siya gumiling. Nang ikinuwento namin ito sa isang kasamahan, sabi pa niya, “Naku, ha, bakla naman talaga ‘yan.”

Sana lang nadala lang siya sa saliw ng musika at hindi talaga nagladlad na ng kanyang tunay na pagkatao. Sabat pa ng isa pang kasamahan na nag-cover sa event, “That’s his moment, kaya pabayaan mo na!” ‘Yun na!!!!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING