Osang, binibira si Coco Martin

ADVERTISING

Osang, binibira si Coco Martin

Coco-MartinBINIBIRA NGAYON ni Rosanna Roces si Coco Martin, dahil lang sa isyung ba’t hindi nagsalita ang aktor to defend Nora Aunor sa isyung si Coco na ang nagbabayad ng condo rentals ni Ate Guy.

Ang punto namin, ba’t kailangang magsalita ni Coco? Sino ba ang gumawa ng isyu? ‘Yun ang dapat mag-research kung me pangyayari ngang gano’n sa pagitan nina Ate Guy at Coco.

Nilinaw na ni Coco ‘yan sa amin nu’ng nagsyu-shooting kami ng Maybe This Time. Ipinakita pa niya sa amin ang pagkahaba-habang text niya sa kanyang “Inay” tungkol sa isyu na ‘wag maniwala sa isyu, dahil walang gano’ng pangyayari.

Pero ipinakita rin sa amin ni Coco na walang reply si Ate Guy sa napakahaba niyang text message.

ADVERTISING

 

BA’T KAILANGANG manumbat ni Osang na hindi sila nagpabayad nu’ng huling shooting day kay Coco, tapos, hindi man lang maipagtanggol ni Coco si Nora Aunor sa isyung diumano’y ikinakalat daw ng isang Vilmanian?

The mere fact na kilala nila si Coco, sana man lang, nagsalita na si Osang o si Ate Guy na, “I don’t think kayang sabihin ni Coco na nauubos na ang pera niya sa kahihingi ni Ate Guy pambayad ng condo rentals.”

Ano ‘yon? Me lumabas lang na isyu, dapat sagutin na agad ni Coco? Hindi ba dapat nagduda muna sina Osang at Ate Guy sa tsismis, lalo na’t wala naman silang masamang pinagsamahan ni Coco?

 

PARANG HINDI na uso ang taray ngayon ni Osang, feeling namin. Kasi, hindi sa panahon ngayon niya kailangan ng kaaway. Ang kailangan ni Osang ay mga taong handang tumulong sa kanya para maibalik ang kanyang career.

Hindi naman porke mataray si Osang eh, dapat nang paniwalaan. Although aaminin namin bilang reporter na masarap maging topic si Osang, lalo na’t dito ka lang makaririnig ng mga salitang kasulat-sulat.

Pero sabi nga namin, sa panahon ngayon, hindi na uso ‘yung nakikipag-away kang madalas. Mas maganda kung ayusin ni Osang ang kanyang anak na si Onyok at siya na mismo ang magbuo ng nawasak niyang pamilya.

 

HINDI PA naman huli ang lahat, Osang. Mahusay ka namang umarte, dahil punumpuno ng angst sa buhay, pero ‘yung ikaw mismo, napaniwala ka ng isang tsismis na puwede mo namang sabihing imposibleng sabihin ‘yon ng tao o alam mong walang ebidensiya para maging capable si Coco na sabihin ang mga bagay na ‘yon sa status ni Ms. Nora Aunor?

Sana, nag-iisip-isip si Osang. ‘Wag siyang magalit sa buong mundo. O kung puwedeng maging tulay na lamang siya sa pagkakasundo nina Ate Guy at Coco.

 

HABANG SINUSULAT ito’y iniisip na namin na baka kami naman ang awayin ni Osang. Okay lang, kung sakali. Kami pa ba ang hindi masasanay kay Osang?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING