Soldout Virtual Concert ni Alden Richards, mapapanood na sa GMA ngayong Linggo

FAN KA BA ni Alden Richards? Hindi ka ba nakabili sa kauna-unahang online concert niya noong December 8 na Alden’s Reality, o kaya’y gusto mo lang mapanood ulit? No need to fret dahil mapapanood na ng libre ang bonggalicious na concert na ito ng Pambansang Bae!

Soldout Virtual Concert ni Alden Richards, mapapanood na sa GMA ngayong Linggo
Alden Richards

Espesyal ang ‘Alden’s Reality’ Virtual Concert ng Kapuso actor dahil ito rin ang nagsilbing 10th Anniversary celebration nito. Alam naman natin lahat na hindi madali ang mga pinagdaanan ng binata para maabot ang current status niya sa showbiz at tuloy-tuloy pa rin ang pagningning ng kanyang bituin, huh!

Sold out ang first-ever virtual concert ni Alden at nag-top din sa music charts ang kanta niyang ‘Goin’ Crazy’. Dito pa lang ay ramdam mo na ang init ng pagmamahal ng kanyang mga tagahanga.

Tutok na sa GMA-7 ngayong Linggo, January 17 at 7:30 PM at mag-enjoy kasama ang nag-iisang Pambansang Bae ng Pilipinas! Special guests sa concert ang December Avenue at ang talented brothers na sina Rodjun at Rayver Cruz.

Mapapanood din dito ang debut performance para sa kantang ‘Goin Crazy’. Ito rin ang first ever virtual concert sa bansa. Party Party na!