On their break-up: Dennis Trillo said Jennylyn Mercado is to be blame for blowing it out of proportion

ADVERTISING

On their break-up: Dennis Trillo said Jennylyn Mercado is to be blame for blowing it out of proportion

On their break-up: Dennis Trillo said Jennylyn Mercado is to be blame for blowing it out of proportion BLIND ITEM: DALAWANG batikang TV/film directors ang inimbitahan para maging resource persons sa isang pagtitipon kamakailan. Tawagin na lang natin sila sa mga initials na M at J.

ADVERTISING

When it was M’s turn to deliver the topic assigned to him, he could not help but harp on his impressions about two rival networks. More or less ay ganito ang sabi ni M: “I would like to congratulate Channel _ for its intelligent programs that do not insult the viewers’ sensibilities, unlike Channel _ na basura ang mga programang ipinalalabas!”

As blind as my subject, itinodo-blind ko na rin kung aling network ang tinutukoy ni M. Don’t just guess, be the judge yourself kung nagsasabi nga ng totoo ang direktor.

 

ADVERTISING

SA SUSUNOD NA buwan inaasahang lilikha ng ingay ang never-before-told revelations ni Jennylyn Mercado sa naging relasyon nila ni Dennis Trillo, all contained in her bare-all interview in the June edition of Yes! Magazine.

Bagama’t kumalat na noon ang umano’y cariño brutal kind of relationship that they had, sa mismong bibig na ba ni Jennylyn manggagaling ang pag-amin that she was a battered girlfriend to Dennis? At the risk of putting the cart before the horse, hindi naman kaya ang maging depensa ni Dennis to disprove Jen’s possible expose was his string of past relationships, kung saan hindi naman nabalitang sinaktan ng aktor sina Carlene Aguilar at Cristine Reyes?

Consistently, ayaw nang sagutin ni Dennis ang tanong kung aware ba siya sa speculations about the physical battery involved in his past affair with Jen. In a recent interview, sinisisi ni Dennis ang ginawang pagpapalaki ng isyu when it’s but normal for any couple to engage in fights.

Sa obserbasyon ng reporter, tila hindi pinanghihinayangan ng aktor kung naghiwalay man sila ni Jen who, at present, according to her manager Becky Aguila, seems to have gotten over the pain that her relationship with Dennis had brought upon her.

 

BY NOW, NAPAPAKINGGAN na marahil sa airwaves ang Afro beat na Move Me, composed and sung by American-Nigerian diva Christy Lynch.

Married to an American ex-patriate, mahigit nang apat na taong naka-base sa bansa ang foreign diva who describes her style of music as that of Tina Turner’s crossing over to African beat. Ang tinatawag kasing Afro rhythm is one that anyone can sway his body to, but as an additional musical accompaniment ay dinagdagan ng saxophone ni Christy ang kanyang 11-track debut album.

Not only is Christy a diva, she’s also a fashion consultant, a fashion color analyst and a jewelry designer. No wonder, when she faced a select group of press ay nai-combine niya ang mga disciplines na ito in her getup and aura that will make her another foreign artist to reckon with in the near future.

 

ABANGAN NGAYONG ARAW, Lunes, ang episode ng Face To Face na Kaladkaring Bulaklak, Dahil Sa Tindi Ng Nakakalasong Halimuyak, Buhay Ng Mga Lalaki’y Winawasak!

Kuwento ito ni Shane na kaliwa’t kanan ang mga lalaki, na bukod sa inaakit ang mga mister ng mga kaibigang babae ay hindi pa nakuntento. Lilitaw si Patrick, ang lalaking hinuhuthutan lang daw ni Shane. Pero all along, may Mac-Mac pang kaulayaw si Shane. At lalantad naman si Romeo na kabilang din sa kanyang koleksiyon. Sa huli, pamimiliin ni Amy Perez si Shane kung sino sa mga lalaking ‘yon ang pinakamatimbang sa keps niya.

Kung bitin pa kayo sa katsipang ‘yan, tutukan bukas, Martes, ang kuwentong Habang Ako’y Nasa Kulungan Ng Baboy, Mga Kapatid Kong Ampon, Nakatira Sa Nanay Kong Tomboy!

Hinanakit ni Vern sa tunggril na madir, siya itong totoong anak ay sa pig sty siya nasadlak, samantalang ang mga in-adopt nito’y parang kadugo kung ituring. Ibinuko ng live-in partner ni Vern a walang ibang dapat daw sisihin kundi ang kalaguyo ng kanyang biyenang hilaw na tomboyita, si Gina.

Pero pagtatanggol ng ina, si Gina raw ang nakakatulong niya sa buhay. So, don’t you think these episodes stink enough?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING