ON RELATIONSHIPS: ‘Flirting is already cheating!’ – Bea Alonzo

PARA kay Bea Alonzo, ang flirting o paglalandi ay considered cheating o pagtataksil na kung ikaw ay nasa isang committed relationship na.

Sa ‘Girl Talk’ segment ng kanyang vlog channel ay sinagot ng Kapuso actress kung okay lang na nakikipagflirt ang isang lalaki sa kanyang mga babaeng kaibigan.

ON RELATIONSHIPS: 'Flirting is already cheating!' - Bea Alonzo
Bea Alonzo

Sagot ni Bea, “Syempre hindi. For me, flirting is already cheating, a window to cheat. ‘Pag nag flirt tapos ‘pag bumigay, edi affair na ‘yon. I think you should stand your ground.”

Para kay Bea, mas maganda raw kung mag-usap ang magkasintahan at mapagusapan kung ano ang mga nagpapaworry sa kanila.

“Tell your boyfriend, ‘You know, this isn’t okay.’ Let the person know that you have these boundaries that they cannot cross. Otherwise, you will end the relationship.”

Tinanong din ang aktres kung okay lang ba na naglilike ng mga pictures ng babae sa Instagrama ang dyowa. Hindi ito big issue para kay Bea at sa kanyang current boyfriend na si Dominic Roque.

“Si Dom, madalas siyang nagla-like ng mga picture ng friends niya na babae or kahit mga babae na ‘di niya friends okay lang. He appreciates beauty and I trust him so I know he won’t do anything stupid.”

Gayunpaman, sinabi ni Bea na okay lang daw kung makaramdam ng konting selos ang mga babae.

“Why don’t you ask your boyfriend about it? If it affects you, definitely, it’s valid. Pag-usapan niyo ng boyfriend mo.”

ON RELATIONSHIPS: 'Flirting is already cheating!' - Bea Alonzo
Bea Alonzo with Dominic Roque

Open din daw sina Bea at Dom na may mga crush silang iba. Aminado naman ang aktres na kung minsan ay nasasaktan siya kapag hindi siya nabibigyan ng pansin, pero nirerespeto rin nila ang kanilang individuality.

“Hindi ako selosa tungkol sa ibang tao, sa mga babae, pero nagseselos ako kapag nagbibigay siya ng atensyon sa iba na mas madalas kesa sa’kin — sa mga kaibigan, gadgets niya, sa drone, sa gaming.”

Mahigit isang taon na rin magkasintahan sina Bea at Dominic. Kasalan na kaya ang susunod? ‘Yan ang ating abangan!

Previous articleMoira dela Torre at Jason Hernandez hiwalay na
Next articleVLOG WATCH: The Making of Artikulo 247 – Funny and Wild Kris Bernal strikes!