ON NADINE LUSTRE’S NEW SUITOR: ‘I want her to be happy’ – James Reid

MATAGAL nang hiwalay ang once most in-demand real-and-reel couple ng bansa na sina James Reid at Nadine Lustre, na kilala rin bilang JaDine. May mga umaasa na may balikang naganap sa pagitan ng dalawa lalo na’t hanggang ngayon ay matatawag na ‘business partners’ pa rin sila lalo na pagdating sa kanilang music endeavours at ilang endorsements.

ON NADINE LUSTRE'S NEW SUITOR: ‘I want her to be happy’ - James Reid
James Reid and Nadine Lustre

Kamakailan lang ay lumabas ang tsikang may masugid na manliligaw na raw si Nadine na isang foreigner na based sa Siargao Island.

Nang tanungin ni Boy Abunda si James sa isang digital interview kung handa na ba ito na makita ang kanyang ex-girlfriend na may iba nang manliligaw ay hindi ito kaagad na nakasagot.

“I don’t think anyone in that situation is really excited to see their ex with someone else, but you know, that’s not my choice,” pasimpleng sagot ng binata.

Para kay James, ang hangad lang niya ay ang kaligayahan ni Nadine, na isang babaeng naging magandang parte ng kanyang buhay.

“If magically I had to decide whether or not she’d be with someone, of course, I wish her the best. I want her to be happy,” he added. “I’m not her husband, neither am I her father, so she can do whatever makes her the happiest.”

ON NADINE LUSTRE'S NEW SUITOR: ‘I want her to be happy’ - James Reid
James Reid and Nadine Lustre

May ilang tagahanga na masaya para sa bagong chapter ng buhay pag-ibig ni Nadine. May ilan na hanggang ngayon ay ‘hopia’ pa rin. May ilan naman na nagre-request na sana ay kahit isang pelikula man lang ay mapagbigyan sila.

Huling nagsama sa pelikula sina James at Nadine sa award-winning film na ‘Never Not Love You’. Noong panahon na ‘yun ay parehong Viva talents pa ang dalawa.

Para sa amin, masaya na kami na nananatiling maganda ang relasyon nina James at Nadine at walang ill feelings towards each other. Goodluck sa inyo!

Previous articleThings You Didn’t Know About Red Velvet
Next articleSB19 big winner sa Myx Music Awards 2021