On Marian-Heart issue: Dingdong Dantes is biased against abusive persons!

ADVERTISING

 On Marian-Heart issue: Dingdong Dantes is biased against abusive persons!

 On Marian-Heart issue: Dingdong Dantes is biased against abusive persons!

ADVERTISING

SA WAKAS, NAGSALITA na si Dingdong Dantes sa isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Ma-rian Rivera at ng co-star nito sa Temptation Island na si Heart Evangelista.

Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakakaraan nang pumutok ang isyung may naging iringan diumano si Ma-rian at Heart sa set ng kanilang pelikula na humantong pa sa pagdadala raw ng nanay  ni Heart ng mga pulis sa airport nang sinundo nito ang anak galing sa shooting.

Lalo pang lumala ang isyu nang ibinuhos ni Marian ang kanyang saloobin sa presscon nang nasabing pelikula noong isang linggo. Wala si Heart sa naturang presscon dahil nasa bansa ito ng kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga. Sa Twitter lang ito nagpahayag nang kanyang mga damdamin.

ADVERTISING

At noong Linggo nga sa isang event kung saan dumalo si Dingdong, maikli man ang naging panayam pero napagbigyan pa rin ni Dong ang ilang mga katanungan nang press. Una, ang tungkol sa naging suporta niya sa girlfriend sa isyung ito. Ani Dong, “Basta kahit anong mangyari, 100 percent andu’n ako sa tabi niya.”

Ano naman kaya ang napag-usapan nila? “Siyempre napag-uusapan namin. Basta ang masasabi ko talaga, du’n ako sa totoo, du’n ako sa tama, hindi ako sang-ayon sa abusado. Pero 100 percent of the way, andu’n ako sa tabi niya. ‘Yun lang.”

Ano naman kaya ang masa-sabi niya na may duruan daw diumanong nangyari? “’Pag mga ganu’ng detalye, I don’t think nasa tamang posisyon ako para sabihin ‘yan kasi sila ‘yung nandu’n. Alam ko lang, ‘yung kung ano ang napag-uusapan namin, du’n ako. Basta ang importante, andu’n ako sa tabi niya at susuportahan ko siya.”

Sa lahat ng pagkakataon daw, ayon pa kay Dingdong, pinag-uusapan nila kung ano man ang mga nagiging problema nila. “Always, sa lahat ng pagkakataon, we always have each other.”

Sa huli, inusisa namin si Dong kung umiyak din ba si Marian sa kanya nang ikinuwento nito ang mga pangyayari? “Alam mo she is such a strong woman, isa ring magandang dahilan kung bakit tumatagal kami dahil lagi naming pinapalakas ang isa’t isa.”

 

DUMALO KAMI SA storycon ng pinakabagong dramaserye ng TV5, ang The Sisters, kung saan ito ay tatampukan ng bagong lipat na Starstruck alumna na si Nadine Samonte.

Although napapabalitang na-freeze ang beauty ng dalaga sa Siyete dahil sa mga nagsusulputang mga baguhan, inamin ni Nadine na masaya at grateful pa rin siya sa mga projects na ibinigay sa kanya ng GMA. Wala raw siyang hinanakit sa former mother network niya dahil nabigyan naman daw siya ng mga tamang projects noong nasa istasyon pa siya.

Sa kanyang bagong network, masaya raw siya dahil isang bonggang primetime series kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya. Marami raw siyang mami-miss na mga kaibigan sa GMA, pero naniniwala rin siyang kailangan nang mag move on para naman sa ikakaganda ng kanyang nanahimik na career. Well, good luck sa ‘yo, Nadine!

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Sa set nang isang pelikula, nagkaroon daw nang umpukan ang tatlong cast members at napag-uusapan nila ang tungkol sa pag-aasawa. Bigla daw humirit si co-star patungkol sa kanyang co-star na, “Yah, you should get married now because of your age and sagging skin.”

Taray, ‘di ba? Ito kaya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iringan ang dalawa? Naku walang clue ito at kayo na ang bahalang maghanap sa dictionary ng meaning nang ‘sagging’. Yun na!

 

Follow me on Twitter, @ar-nielcserato. E-mail your blind items and hottest showbiz scoops to arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING