On criticizing TV host’s arrogance: Sen. Kiko Pangilinan challenges Willie Revillame to sue him!

ADVERTISING

 On criticizing TV host’s arrogance: Sen. Kiko Pangilinan challenges Willie Revillame to sue him!

 On criticizing TV host’s arrogance: Sen. Kiko Pangilinan challenges Willie Revillame to sue him!  OLA CHIKKA NOW na! Again and again to the maximum authority of chikka, kaya hindi natin tatantanan dahil talaga namang marami ang binabatikos na nakisawsaw.

ADVERTISING

Kasi naman, hindi lang pala sa Metro Manila banned ang Willing Willie, kundi pati sa Lingayen, Pangasinan at hindi si Jan-Jan ang dahilan. Kung sinu-sino kasi ang binati ni Willie Revillame, sa halip na ang Mayor ng Lingayen ang batiin, si Baby Arenas ang lagi niyang binabati. Ayan tuloy, na-ban. Walang respeto sa gobernador ng Pangasinan, kaya banned din kay Gov. Amado Espino. Talagang arogante at may pagkabastos, at walang respeto, ‘di ba?

Ayan, ha? Kaya wala talagang kinalaman ang isyu tungkol kay Jan-Jan.

Ano ba naman ‘yan?! Ito ngang si Sen. Kiko Pangilinan, talagang sinasabing si Willie ay arogante at ‘di marunong magsisi, at hopless na nga, ‘di ba? Heto ang tweet niya Sen. Kiko: “Willie R threatens to sue those who criticized him on Twitter. This arrogant unrepentant and incorrigible TV host has gone too far and shoul go sue me, too.”

ADVERTISING

Ayan, ‘di ba talagang marami ang nakapapansin sa mga pinaggagawa niya, at isa siya sa sinabihang nakikisawsaw. Alam n’yo ba ang ibig sabihin nu’n, ‘teh?! For sure, si Sen. Kiko ay may karapatang mag-comment, dahil may tungkulin siya sa ating bansa.

At heto ang panawagan ko, magising na ka-yong mga mahihirap na pumupunta riyan kay Willie. Hindi n’yo ba alam, kayo ang ginagamit para yumaman nang husto ang TV host, at tinuturuan lang kayo na lalong maging mahirap. Tingnan lang natin kung wala siyang ipinapain d’yan sa show na ‘yan, kung may magtitiyagang pumila riyan. Huwag na kayong magpauto, tama na!

At heto pa, ang mga sinasabing artistang nakikisawsaw sa isyu kay Willie, lalo lang siyang tinutuligsa dahil sa mga paliwanag niya. Lalo lang silang nanggalaiti sa mga sinabi ni Willie. Ano ba, ha, hindi ka ba titigil?! MABUBUWANG TALAGA AKO SA EARTH!!!

Kaya naman, tama na muna ang pitik-bulag, at pagtuunan natin ng pansin ito, para mawala na talaga. Hahaha!

KAYA NAMAN PARA sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING