On Claudine Barretto’s Kapamilya comeback

ADVERTISING

On Claudine Barretto’s Kapamilya comeback

On Claudine Barretto’s Kapamilya comebackPINAG-UUSAPAN NA ngayon pa lang ang diumano’y napipintong pagbabalik ng Optimum Star na si Claudine Barretto sa bakuran ng ABS-CBN. Isa sa pinaka-pioneer celebrities ng Star Magic si Claudine Barretto. For a time, siya rin ang namayagpag na ‘Teleserye Queen’ ng Dos. Lahat ng pelikula niya under Star Cinema ay certified blockbuster hits. Maganda, magaling umarte at may dating. Sino ba naman ang hindi mabibilib sa isang Claudine Barretto?
Aminado ako na noong ako’y isang paslit pa lamang, big fan na ako ni Claudine Barretto. Nag-umpisa siya sa programang Ang TV at lumabas din siya sa ilang teenybopper flicks. Natatandaan ko pa nga na si Isko Moreno ang isa sa mga una niyang naging ka-loveteam on the big screen. Napatunayan ang kanyang charisma among the teen fans nang mag-hit ang barkada film na Pare Ko. Dito sila nagkadebelopan ng ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez. Sila rin ang bida sa teen romance film na Mangarap Ka. Nagkaroon sila ng problema hanggang sa nagkahiwalay na nga ng landas.
Eventually, pinagsama for the first time sa big screen ang baguhang commercial model turned actor na si Rico Yan at young actress on the rise na si Claudine sa Radio Romance. Dahil natural ang kanilang chemistry, binigyan sila ng break ng Dos sa classic primetime series na Mula Sa Puso. Ka-love triangle din nila rito si Diether Ocampo.
Onscreen man or offscreen ay patok na patok ang Rico-Claudine tandem.
Marami ang nabigla nang mag-desisyong lumipat sa Siyete ang Optimum Star. Siguro ay nainip ito dahil wala pang nilalatag na bagong proyekto para sa kanya. In fairness to GMA-7, binigyan naman nila ng importansya si Claudine. Nagkaroon ito ng weekly drama anthology at nagbida sa shortlived fantaseryeng Iglot. Gayunpaman, halatang lumamlam ang karir ng misis ni Raymart Santiago.
Nagkaroon noon ng tsika na bibigyan diumano ng Viva Films ng reunion project sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto. Kasama pa nga raw nila dapat si Heart Evangelista rito. Sayang, at mukhang na-shelved ito.
Ang latest tsika ay may planong movie project si Direk Wenn Deramas for Clauds. Maraming kinasangkutang kontrobersya si Claudine in the past three years, pero panahon na siguro para mag-move on. Siguro, kailangan lang bumalik ni Claudine sa kanyang original ‘home’. Will ABS-CBN open their doors for her again? I personally hope yes, dahil malaki Rin naman ang nai-contribute ni Claudine sa istasyon during her prime years.
Mga Kaparazzi, ano ang inyong take sa usaping ito?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING