Old-school comedy ibinalik nina Andrew E, Janno at Dennis sa ‘Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo’

ADVERTISING

Old-school comedy ibinalik nina Andrew E, Janno at Dennis sa ‘Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo’

Old-school comedy ibinalik nina Andrew E, Janno at Dennis sa ‘Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo’
Janno Gibbs, Andrew E. and Dennis Padilla

NAKAKATAWA ang trailer ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na pinagbibidahan nina Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E. Kitang-kita ito sa reaksyon ng mga tao sa loob ng sinehan na nagtatawanan sa ilang eksena ng pelikula.

ADVERTISING

Ayon sa tatlong bidang komedyante, walang bago sa kanilang pelikula at hindi ito masasabing pang-millennials. Pero naniniwala sila na na-miss na ng tao yung old school comedy kaya ibinalik nila sa ‘SSS.’

“I think naghahanap ang male audience ng ibang kind ng comedy and this is it, ito ‘yung brand ng comedy namin,” sey ni Janno.

Dagdag pa ng singer-actor, puro romantic comedy raw kasi ang ipinapalabas lately kaya naniniwala silang tatlo na na-miss na rin ng audience ang comedy na may halong green jokes.

ADVERTISING

Ayon naman sa Viva Films producer na si Vic del Rosario, wala siyang naisip na ibang director na puwedeng gumawa ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo kung hindi si Al Tantay. Sayang nga lang at during the presscon of the movie ay hindi ito nakasipot.

Kuwento ni Dennis, open naman daw sa kanilang mga suggestions si Direk Al.

Aniya,  “I know lahat kayo may kanya-kanyang suggestions. I’m open to all your suggestions, suggest all you want basta ang hiling lang niya, io-audition namin sa kanya like, ‘direk can we do this, can we say this?’”

Pero kahit na raw marami silang suggestions ay si Direk Al pa rin ang magdedesisyon sa bandang huli.

Showing na ang SSS sa September 4. Kasama ng tatlo sa pelikula ang sina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, Vanessa Wright, Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach at marami pang iba.

Kasama rin sa SSS ang yumaong aktor na si Eddie Garcia.

 
 
 
 
Attachments area
 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING