Ogie Diaz, walang alam sa ‘Darna’ movie ni Liza Soberano

Ogie Diaz, walang alam sa ‘Darna’ movie ni Liza Soberano

Liza-Soberano-Ogie-DiazWILL LIZA Soberano be the next to swallow the magical stone as she shouts to become “Darna!”?

Kung ganu’n, paano na ang mga earlier press release ng Star Cinema that Angel Locsin will reprise the character of the popular Mars Ravelo character, na ginampanan na niya noon sa TV sa GMA?

Kung ang manager ni Liza na si Ogie Diaz ang tatanungin, ikinagulat nga niya mismo ang kumakalat na balita that the plum role landed on his ward’s lap. “Teka, hindi ba’t si Angel ang napapabalitang next Darna?”

As of last weekend, ani Ogie ay wala pa raw siyang natatanggap na abiso—much less hint—kung kay Liza na nga napunta ang papel. “Unless sabihin mismo sa akin ni Tita Malou (Santos), hindi ako maniniwala. Pero kung si Liza nga ang napili nila, eh, ‘di wow! Pero kung false alarm naman ‘yon, baka may ibang film assignment na nakalaan para kay Liza.”

In case namang hindi si Liza ang gaganap bilang next Darna on the wide screen, no need for a career rush. Too young to go a bit sexy—as Lola Nidora would say—may tamang panahon para roon.

 

A DIFFERENT kind of creepy episode ang hatid ng Ismol Family this All Saints’ Day.

Makatatanggap ng anonymous letter si Yumi sa school na para pala kay Bobong. Sulat ng pananakot mula sa isa niyang biktima sa pyramiding scam na akala niya’y kusa na lang maglalaho, ‘yun pala’y nagsisimula pa lang lumala.

The next morning, may bumato sa bintana ng bahay ng Ismol Family hitting its members with the glass shards. Sinundan pa ‘yun ng isang aksidente kung saan ang pauwi at pasura-suray na si Bobong ay nasagasaan ng kotse.

On his way home from the hospital ay naabutan niyang may lamay na sa Ismol house. May nagsusugal, may pa-kape at biskwit at may nag-iiyakan. Pinaglalamayan na pala siya! Walang pumapansin kay Bobong sa lamay na para na lang siyang kaluluwang gumagala.

Hanggang sa marinig niya ang lihim na pag-uusap nina Majay, Jingo, at Bernie. Nagpapanggap lang pala sila na patay na siya to teach him a lesson dahil nga sa scam.

Deathly images start to haunt Bobong: si Kamatayan na parang sinusundo siya at ang isang batang babaeng naka-all white at naka-belo.

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Insmol Family this Sunday.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III