Ogie Diaz may pay okay Dennis Padilla: ‘Ikaw na lang malag-adjust sa mga anak mo kung mahal mo talaga sila’

Leo Bukas

IKINALUNGKOT ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang pagpapalitan ng mensahe sa sociall media ng mag-amang Dennis Padilla at Leon na nag-ugat nung hindi batiin ng magkakapatid na Leon, Claudia at Julia ang aktor nitong Fatherr’s Day. Ang tatlo ay mga anak ni Dennis sa dati nitong asawang si Marjorie Barretto.

“Yung totoo? Nalulungkot ako sa nangyayari kay Dennis Padilla at sa kanyang mga anak.

Ogie Diaz may pay okay Dennis Padilla: ‘Ikaw na lang malag-adjust sa mga anak mo kung mahal mo talaga sila’

“Hindi ko maimadyin na mangyayari sa amin yan ng mga anak ko. At kung mangyari man, magri-reach out talaga ako. Pero pag ayaw akong papasukin ng mga anak ko, hahayaan ko.

“Hello! Bata pa lang ako, pinanday na ako ng mga rejections sa buhay. Hindi ko inaasam, pero pag dumarating ang rejections, nalulungkot lang ako sa una, pero ang aga ng acceptance ko. Kaya madali rin akong mag-move on,,” simulang reaksyon ni Ogie na bago naging sikat na vloger at talent manager ay naging entertainment writer din.

Nagbigay din siya ng payo sa komedyante na kailangan nitong magpahinga sa socialmedia para hindi na lalong lumala ang alitan nilang mag-aama.

Aniya, “Yung kina Dennis at sa mga anak, payo ko kay Dennis, ipahinga muna niya ang socmed. Wag siya doon manawagan. Pilitin pa rin niyang humingi ng dialogue privately.

“Pag ayaw ng mga bata o hindi pa handa ang mga ito dahil mabigat ang kasalanang nagawa niya, hayaan muna niya. Maghihilom din naman yan.”

“Tatay ka, eh. Ikaw na lang mag-adjust sa mga anak mo kung mahal mo talaga sila. Pare-pareho lang naman kayong nangungulila sa love ng isa’t isa, pero kung hindi pa ngayon ang panahon, hintayin mo. Mangyayari rin ang gusto mo,” payo pa niya kay Dennis.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Kaso nga lang, hindi tayo si Dennis. Hindi ko rin alam ang history ng tampuhan o galit nila. Damdamin yan ni Dennis, damdamin yan ng mga anak niya. Hindi natin damdamin.

“Nakikisawsaw lang tayo. Nakiki-Marites. Hindi naman tayo kaanu-ano ni Dennis o ng mga Barretto, pero kung makapag-judge yung iba, parang may ambag sa buhay ng mga sangkot sa kwento.”

At dahil nga sa pagiging vocal ni Dennis sa social media ay hindi rin naiiwasang i-bash ang kanyang mga anak.

“Pero kung ako si Dennis, wag na nga muna siyang magbubuhos ng hinaing sa socmed. Naba-bash ang mga anak niya. Maging siya ay bina-bash din. Kawawa lahat sila.

“At kung ako si Dennis, kahit andun yung feeling niya na ini-ignore siya ng mga anak niya, wag na muna siyang magsumbong sa social media, awat muna.

“Tayong mga ama, poprotektahan natin ang ating mga anak kahit nabubuwisit tayo, nagagalit tayo, nagtatampo tayo sa kanila. Kasi nga, tatay tayo, eh. Ganun natin sila kamahal kahit di pa nila yon suklian.

“Wag nating kalilimutang tayong mga ama ang pader nila kahit ngawit na ngawit na tayo sa kasasandal nila. O kung minsan, kasusuntok nila,” huling pahayag ni Ogie Diaz.

Previous articleVLOG WATCH: Former Kapamilya childstars Eliza Pineda and Kristel Fulgar reenact Maria Flordeluna fight scene (after 15 years!)
Next articleCesar Montano excited makatrabaho ang anak; Diego napi-pressure